Grabe! Kamakailan lamang, naming may piging sa bahay ni Papi!
Huhuhu bakit di kami imbitado... ayan tuloy, nagmanman lang kami sa labas ng kanyang bahay! Sobrang daming taong nagsaya noong gabing iyon. Hindi lang 'yon, nakita pa namin doon ang mga kapamilya ni Papi! Okey, isa-isahin natin ang mga nakita namin:
Sino ang malakas at mabuting pamangkin ni Papi na pumatay sa Datu ng Mahindaw? Sino pa ba kundi, si Kuyasu—o ang tinatawag din Sengeydumpil! Hayyy ang galing niya talaga no? Alam niyo ba kung paano niya napatay ang Datu? Pagkatapos siyang batuhin ng pagkit ng Datu ng Mahindanaw (na nagalit dahil hindi nakabayad ng utang si Papi), kinuha ni Kuyasu ang kanyang sibat na sobrang talas, at binato niya sa Datu! Napakapilyo kasi nitong Datu ng Mahindanaw, ayan tuloy at napatay siya!
Nakita din ang (dating?) mag-asawa na si Banlak at Mungan. Si Banlak ang kapatid nina Papi, Lena, Yambungan, Ikwangan, at Tabagka Wad Pintua. Tawag din siyang, Seduley, Penenglitan, at Gulugundu Piblibu. Siya ang kasama ni Kuyasu sa laban sa Datu ng Mahindaw at siya din ang nagbigay babala sa Datu Lungba na dadating ang mga tao ng Mahindaw. Sa simula palang, iniwanan ni Banlak ang kanyang asawa, dahil may ketong siya. :( (BOOOOO!!!)
Nakita din sa pagdiriwang si mabuting Mungan, na tinatawag din Mayaga Mayantaw, o Yaga Pinaniguan. Siya ang unang iniwanan ng mga tao. Una siyang iniwanan ni Banlak, at iniwan din siya ng kanyang komunidad dahil nga sa ketong niya. :( Iniwanan siya sa dati nilang tinirahan at hindi sinama sa paghanap ng Nalandangan. :( Dahil dito, ginabayan siya ng mga diyos at diwata at ginawang ginto! Sosyal! Si Mungan ang nagbigay ng gintuang nganga at pinipig kay Lena dahil si Lena ang nagpakita ng kabaitan sa kanya.
Isa pang nakita ay ang kapatid ni Papi, Banlak, Yambungan, Ikwangan, at Tabagka Wad Pintua, na si Lena.
Okey, SALAMAT KAY LENA! Si Lena ang dahilan kung bakit ang mga tao ni Papi ay imortal. Una, ayaw pa nga ni Banlak na bigyan ng pagkain si Mungan, kaya sinabi ni Lena na siya nalang ang magbibigay. At dahil sa kanyang kabutihan, nabigyan ng biyaya ang mga tao!! Gwapo na nga, mabait pa! Salamat talaga kay Lena! <3
Ang ganda talaga ng sinuot ng babaing ito! Isa pang kapatid ni Papi, Banlak, Lena, Ikwangan, at Tabagka Wad Pintua si Yambungan o si Pignayuan, Paniguan, Mayantaw, Pinintu, Pigsayu na Palangga, Gila Dig Balawan.
Kapatid pa ni Papi, Banlak, Lena, Yambungan at Ikwangan si Tabagka Wad Pintua na may maraming mga palayaw din tulad ng Gila Wad Pailaka, Bongkatolan Haglawan at Momosan Laglagingan. Si Tabagka Wad Pintua ang kapatid na binigyan ng mahiwagaing singsing at naging isang mandirigma ng Nalandangan!
Nakita rin na bumibisita sa Nalandangan si Minayun! Ahhh ang cute ng anak ni Papi!! Kapatid niya sina Seyluwen, Nebeyew, at Inkilas, at pamangkin nina Banlak, Lena, Yambungan, Ikwangan, at Tabagka Wad Pintua.
Si Seyluwen ay natagpuan kasama ng kanyang mga kapatid, sina Minayun, Nebeyew at Inkilas. Tinatawag din siyang Nememandung. Isa pa siya sa mga gwapo sa pamilya ni Papi. <3
Grabe talaga ang isa pang anak ni Papi, na kapatid nina Minayun, Seyluwen, at Nebeyew, at pamangkin nina Banlak, Lena, Yambungan, Ikwangan, at Tabagka Wad Pintua. Ito’y si Inkilas! Siya yung inutusan ni Papi na pagsabihan ang mga babae na gumawa ng sobrang importanteng nganga. Ibig sabihin ng kanyang pangalan ay "kakambal ng kidlat."
Nakita din dito si Nebeyew, o ang tinatawag rin na Delemenen. Siya ang anak ni Papi at ni Tabagka ta Dalag, at kapatid siya nina Minayun, Seyluwen, at Inkilas. Pamangkin nina Banlak, Lena, Yugung, Yambungan, Ikwangan, at Tabagka Wad Pintua. Haay ang gwapo talaga ng mga magkakapatid na ito!
Nakita rin si Lagungun Lagubaan—nuno nina Agyu, ang nagpigil sa nakakatakot na laban nina Papi and Imbalana hu Langit. Naalala ko pa iyong panahon na iyon. Sa pagpigil sa away, pinatay sila ni Lagungun Lagubaan. Grabe, hindi ako nakahinga noon!!
Ang magandang Tagyakuwa na tinatawag din bilang Lakumbinig ay nakita kasama ni Papi sa piging. Sobrang tamis talaga ng pagmamahalan nila; may isang beses, nagalit nga siya kay Agyu dahil hinalikan siya sa harap ng lahat! Sinabi lang ni Papi na walang mali doon dahil mag-asawa sila. Si Tagyakuwa pala ang kanyang unang asawa. <3
Ngunit, hindi lang basta maganda si Tagyakuwa! Oo, siya ang tinatawag bilang “pinakamaganda sa lahat ng mga buyan”—totoo naman diba? Pero naging mahalaga rin siya sa pagtatanggol ng bayang ito! Siya ang naging pinuno sa mga babaeng nangolekta ng nganga para sa mga mandirigma ng Nalandangan.
Medyo malabo pero si Tagyakuwa rin ang ina ni Imbalana hu Langit. Ang ama nito ay si Banlak. Nakakahilo diba?? Naging kontrobersyal ito ngunit mukhang wala namang isyu sa pamilya. Basta’t masaya si Papi, masaya rin kami!
Tingnan niyo naman kung paano ni Papi tinitingnan si Tagyakuwa--nakakailig sila!
Nakita rin si Malalamen na kasama ni Papi. Kung hindi niyo natatandaan, siya iyong inutusan ni Papi na gumawa ng biray para kami’y makauwi galing Lingkaan! Dami talagang kaibigan ni Papi!
Naalala niyo pa ba siya, si Gulubatnun Nan Labi? Kalaban siya nina Agyu noon! Nagbalatkayo siyang si Gumugunal ta Baya na siyang amain ng taga-Yandang sa matinding pangulila. Sa gitna ng laban, pinatawad siya ni Agyu at inimbitahing bumalik sa Nalandangan, kaya naging mapayapa ulit ang bayan. Mabuti’y inayos nila ang lahat, kung hindi baka nagalit ulit si Lagungun Lagubaan...
Hmmm... parang may nawawala noong gabing iyon? Ahhh si Ikwangan! Ano pa nga ba't wala nanaman siya! Hindi talaga mahilig magpakita 'yun!
Ang dami talagang mga kaibigan na sumusuporta kay Papi! Nakakamanha talaga, kung tatanungin niyo kami! Buti naman at hindi kami nakitang naninilip mula sa labas ng bahay nila, hahaha! Sa susunod muli!