I miss my friends. I miss my best friend. I miss my boyfriend. I miss going to school and being a normal student. Wait lang, I'm still normal kaya lang dahil sa naimbentong "OJT", wala na. Feeling ko, wala na akong social life. I mean, kahit lagi akong nago-online sa mga social networking sites, wala akong social life. K. Redundant na masyado ang word na "social" hahaha. Waaa. I'm being crazy again. I hate this life!!!! Just kidding. Panay message na nila sakin ng "I miss you", "Baka naman balak mong magpakita samin, ano?" "OJT palang yan, wala ka ng time samin, pano pa kaya kapag nagwowork ka na?" "Magpakita ka naman. Tampo na ako." Actually, di naman ako nagi-guilty talaga kaso few minutes ago, minessage ako ng BFF ko kaya napag-isip-isip ako. Syempre, mas malakas ang BFF ko kesa sa BF ko ano. Mga simple words pero nakaka-guilty. Kase naman may mga work na sila at ako na lang ang napag-iwanan tapos ako nago-OJT palang, wala ng time para sa kanila. Pero sila, hindi nila ako kinakalimutan. Wait, hindi ko rin naman sila kinalimutan, kinarir ko lang ung OJT hahaha. 2 weeks na lang, hello friends and more than friends! Hahaha. You know who you are. By the way, I miss you guys!!! Thank you sa pag-intindi sakin! Alam ko naman na hindi nyo matitiis ang convincing powers ko. Bwahahaha. Babawi ako. Itaga nyo sa bato. Wihihih. ;)