Sabi nga ni Ma'am Noelyn, "Ang totoong matapang, Kayang maghintay."
Kaya hihintayin ko siya, kahit anong mangyari. Sa totoo lang, dati ko pa siya hinihintay eh. Nakilala ko siya dahil sa friend ko. Ung friend ko na un may gusto siya kay <insertnamehere> Tas tinuro niya sakin. Mygash. Ang gwapo. So at that time pinipigilan ko magkagusto sa kanya, kasi nga crush siya ng friend ko. Eh ayoko naman magmukhang kontrabida. Kaya sige, hinayaan ko lang. Pero iba ang gusto ng guy na un. Si Jowena ang gusto niya.
Grabe. Inis na inis talaga ako tuwing nakikita ko silang magkasama. Palagi pa hinihintay ni GUY si girl sa labas ng classroom ni girl. Hanggang 2nd year M.U ata sila. Buti nalang wala na si girl sa school namin. Lumipat na. :)
So ngayon ko lang nasabi sa kanya na gusto ko siya. Kaya lang ang problema, wala siyang gusto sakin. And it hurts like hell. :| At ang masaklap pa, crush niya ung isang friend ko.
In a few months, graduate na siya. So aun, di ko na siya makikita. Pero... Hihintayin ko pa rin siya.
Kahit anong mangyari.