Nilibot ko ang palengke ng Gapan dahil naghahanap ako ng longganisang Cabanatuan. May nakita ko sa palengke pero yung mga nakasabit lang sa meat shop na longganisa. Tinanong ko kung gawa yun sa Cabanatuan pero ang sabi ay dun lang sa Gapan. Wala daw silang tindang longganisang Gapan.
Nahanap ko sa isang tindahan itong longganisang batutay. Ang main branch daw nila ay sa Cabanatuan kaya lahat ng tinda nila ay gawang Cabanatuan. Tinanong ko yung tindera kung ano ba ibig sabihin ng batutay.
Ang sabi niya na ang longganisang batutay ay hindi gawa sa karne ng baboy kundi sa karne ng baka.
Masarap siya, malasa at manamis namis ko na siya.










