How I Became a BB
HOW I BECAME A BB
xxakanexx
I was a sophomore student when I first read Sweet Surrender — yes, ‘yung sa Neon. May hinahanap kasi akong story na ganun ‘yung title, pero hindi naman ata si Ate Cher ‘yung writer? Basta, ang dami kasing Sweet Surrender nun. So parang nadaanan ko lang ‘yung kay Cher tas ‘yun. Worth it naman. ♥
Several months passed, third year na ako. Nakita ko ‘yung Just A Night With Him sa fb page ni Ate Cher. Then na-caught agad ang attention ko. Title palang, magmamarka na eh. Ang catchy kasi nung teaser. I read it and omaygad. I’ve been marked. Feel ko ako si Sheena. XD Nainlove ako kay Sancho! ♥ Kaya mahal na mahal ko ang Sheencho eh. ♥ Hinanap ko rin ‘yung Infatuation kasi nalaman kong story 'yun ni Lukas. Pati na rin 'yung Hands All Over na story naman ni Adam. 'Yung mga panahon na 'yun, nagu-update palang ng She Will Be Loved sa fb page ni Ate kaya sinave ko nalang muna sa bookmarks 'yung album. Naging busy ako for some weeks tas nung binisita ko 'yung page, wala na 'yung first gen. :O Kaya I asked Ate sa ask.fm (hanggang dun naka-abot talaga ako 'no? XD) kung ip-post pa sa fb kasi nga 'di ko pa nababasa 'yung kay Laide, pero mukhang hindi na yata. Uso na kasi ang Wattpad eh kaso, wala naman akong Wattpad app. T'saka bihira ako mag-Wattpad nun. So I joined Ate Cher’s fb group nalang para updated pa rin ako, kahit papaano.
Fourth year ako nung nagkaroon ako ng Android phone, at agad akong nag-DL ng Wattpad app. Hinanap ko agad si Ate at 'yun na. Sinunod-sunod ko na ang pagbabasa. Consunji, Neon, Brethren (na si JC lang ang naabutan dahil deleted na ang tatlo) MC, Pastels (nasa The One pa rin ako. XD), at 'yung other stories.
Naaalala ko pa 'yung nabasa ko sa notes ni Ate Cher na apat na ang series niya (Neon, Pastel, Consuji at Dirty Men) at di na niya dadagdagan pa. Pero ngayon, ang dami naaaa. :O 'Yung Consunji, aabot pa ng third gen. ♥ Hindi siguro napigilan ni Ate ang sarili niyang ideas. Ganun kasi siguro 'yun. 'Di mo mapipigilan ang sarili mo na magsulat.
ABOUT MY BIAS ♥
First kong nabasa is 'yung JANWH. Kaya kay Sancho ako nafall ng bongga. 'Yung kahit nabasa ko na 'yung kay Adam at Luke, si Sancho pa rin talaga ang mahal ko. ♥ In addition to that, napaka hot pa ng portrayer. Like, omaygaaad. Mapapa-extra rice talaga ako eh. HAHAHA.
Second gen came and syempre, mawawalan ba ako ng bias? Ocn. And since loves ko ang Sheencho, kaninong pamilya pa ba manggagaling ang bias ko? Syempre sa kanila rin. TRH ang unang nalabas sa second gen, and maygaaad. There’s just this something kay ZD na maiinlove ka talaga. He’s almost perfect, ideal man siya ng nakakarami. 'Yung lalaking handang maghintay. Mahal ko rin syempre si Yto at Nikita, in fact, kay Nikita galing ang favorite quote ko… pero gaya ng puppy love, mabilis rin silang napalitan nang dumating si… *drumrolls* ang villain of 2013, si Helios Demitri! Juthkoooo. That green eyes. ♥ Siguro effect ni Christian Grey, pero syaaaks. Gusto ko ng sadist type ng guy… at si Helios 'yun (that time). And kahit gaano siya kasama, nagsacrifice pa rin siya dahil mahal niya talaga si Yzang kulet. (Wait, naiiyak ako pag iniisip ko 'yung Stolen Untold! ) At kahit may iba pang dumating na second gen, kay Helios talaga ako super nafall, pero not like the way I’ve fallen for Sancho. Andd, medj crush ko si Javie. ♥ T'saka gusto ko rin 'yung story ni Yvo… parang rollercoaster na maraming twist eh. Nabaliw ako kakaisip. HAHAHA.
Sa Neon, ang pinakaminahal ko ay si James. Sila Zach sana kasi sila una kong nabasa, pero sht. Si James talaga eh, 'yung Mr. It’s Complicated. ♥ Idk why, basta sobrang gusto ko siya. Magugustuhan ko rin sana si Calix (tama baaa? :o) kaso 'di ko nabasa Paper Boat Love eh.
Sa Pastels, 'yung story nila Nathan at Calen ang favorite ko. (Sorry, I can’t choose one. :c) Parehas kong iniyakan ng sobra. Nakakainspire si Ella, isa sa fav girls ko. ♥ Tapos 'yung kela Harmonyyy… ewan masochist ata talaga ako. Gustong gusto kong laging one sided… or 'yung torn 'yung lalaki kung sino ba talaga gusto niya. (Hi kela Yvo, KD at sa bagong member ng samahan… AZULAAAN! ) Relatable kasi. Tapos nakakataragis si Calen dahil mukha siyang Jin Hye.
Si JC lang naabutan ko sa Brethen, so siya syempre una kong minahal (as if may choice! Djk. ) Tapos nung nabasa ko na si Edward… ayuuun. Si JC pa rin fav ko! HAHAHA. Kyuti kasi nila ni Alexis eh. Itong series din ang kino-collect ko (pano ba naman, ang hirap hagilapin ng Consunji. Laging wala, ughhh. Siguro mago-order nalang ako para 'di na mahirapan sa paghahanap… at baka makaabot pa ako sa main office ng DMCI kakahanap ko eh. Iykwim. ;) ).
Nung may bagong series na nilabas, syempre tuwang tuwa ang fangirl heart ko… without knowing na dun ko mahahanap ang asawa ko. Sino pa ba? Edi that man whose name I carry! Si Simoun Paul Azul. ♥ Super inlove ako sa loveteam nila ni Leira. Oo, di ako bitter sa kanila. HAHAHA. Kay SP ko naranasan matulala kada tapos ng UD. Si SP 'yung nagpa-#NoChill sakin, literal! Tipong, kakabasa ko lang ng update tapos para akong ewan na kinikilig sa loob ng mall. HAHAHA. Kay SP rin 'yung super fangirling ko. Dmn, dahil sa kanya nagpopost na ako sa group ni Ate Cher! I’ll drop everything para sa kanya. Nakahanap pa ako ng ate na kaagaw sa kanya. Napa-change name ako dahil gusto ko, ako ang maunang legal na asawa… mas nauna pa nga ako kay Leira! HAHAHA. Sobranggg nabaliw talaga ako ni SP. Na kahit lahat sila sa MC ay hot at lovable, kay SP pa rin ako. Iniisip ko pa nga dati na si Jude ang forever ko, pero wala. Si Azul pa rin talaga. ♥
Hiatus ako sa pagbabasa (college happened!) kaya late ko nabasa ang B.I.T.C.H. Series. Si Tamara fav ko dito, kahit 'di ko pa nababasa. HAHAHA. basta loves ko si Ildefonso. ♥ Pero nalerkyyy ako kay Beanca (since siya ang first kong nabasa). Ito na 'yung request ng ibang BB na story na lesbo.
Sa third gen, wala pa kong bet eh. Dapat si Hyron, kaso madali kasi siyang napapalitan sa puso ko, naisp ko rin si Hunter kaso may Junko na siya. HAHAHA. Pwedeng kay Heath ako? HAHAHA. If it isn’t obvious, sa anak ni Yza ako namimili. Juthko naman kasi! Consunji na, Demitri pa eh. Pwede rin pala kela Apollo, since Vejar naman sila. PERO WALA PA TALAGA AKONG NAPIPILI. WAIT KO MUNA IBANG STORY.
×× 9/4 Idk na sinabi ko pala dito na kung pwede bang kay Heath nalang ako… bc rn siya talaga gusto ko sa third gen maygaddd! 😍♥
Sa Junior MC… kailangan pa bang tanungin? Syempre si Azulan fav ko dito. Anak namin ni SP eh — ayy anak pala nila ni Leira. Nevertheless, anak pa rin siya ni AZUL! Pero dahil babae siya, — at syempre bawal patulan pag anak ng asawa (lul panindigan na asawa ko si Azul), si Narcissus ang mahal ko. ♥ Sa MC, 'di ko pinapansin si Ido kahit siya pa “daw” ang hottest man sa buong Pilipinas kasi loyal ako kay SP. Pero ngayon? HAHAHA. Anak nga talaga ni Ido si Narcing. Conceited rin eh! Pero loves na loves ko talaga siya. ♥
MY THOUGHTS ABOUT XXAKANEXX
Imho, Ate Cher is the best online writer. Lagi kasi siyang may surprise eh, laging may pasabog. Walang pare parehas na plot — kahit pa series 'yung sinusulat niya. Everytime I read her stories, I always feel like I’m on a rollercoaster ride. Hindi pa sobrang haba ng stories niya — laging straight to the point, walang paligoy ligoy. Maybe may cliché in some parts, pero later on, map-prove ni Cher na hindi talaga 'yun magkaparehas. And what I admire her the most is her braveness. She’s never scared to contradict her readers, she’s never scared to write out of the box, 'yung magugulat ka talaga sa stories niya. Being a BB, dapat sanay na ako sa mga pasabog niya pero no! Nagugulat pa rin ako everytime! And she’s not even scared na mawalan ng readers! Basta isusulat niya kung ano 'yung gusto niya at kung saan siya masaya. And I love her more for that. ♥
She’s the queen for me.














