Si Dada, simple, masayahin, friendly, BS nursing ang kurso at EIC ng kanilang Year Book. Meron syang pagtingin kay Aden. Sya ang campus crush ng college of business. Oo, gwapo si Aden, mabait, matalino, mapupungay ang mata. Matagal ng gusto ni Dada si Aden. Alam ni Aden pero may iniibig na ito. Papasok si Dada ng eskwelahan ng tinanong sya ni Mods "Kamusta ang pasyente mo kanina sa duty??" walang imik si Dada nakatingin sya sa 3rd floor nakita nya si Aden. Naglalakad ito naka gray. Parang naging DSLR ang kanyang mga mata nagzoom in, nagfocus at nagblur ang kapaligiran si Aden lang ang nakita nya. Isang beses lang nagtagpo ang landas ni Dada at Aden. Ito ay yung hinaran sya ni Aden dahil sya ang napili upang handogan ng regalo ng department nila Aden. Kinilig ang lahat, alam ng lahat na may pagtingin si Dada kay Aden ngunit di pwede. Di na ulit nagkrus ang landas nila. Patingin-tingin lang si Dada sa kanya sa malayo. Di nya ito nakakausap kahit kamustahan man lang. Di halata pero umiiwas talaga si Aden kay Dada kasi ayaw nya maissue dahil nga may iniirog na ang binata. Kaya ng minsan nilapitan ni Dada si Aden. "Gwapo ka? Gwapo ka?! Oo gwapo ka na! Pero sana naman di mo ako iniiwasan. Gusto ko lang naman maging kaibigan ka pero mabuti na lang din na ibigin ka mula sa malayo basta at tanaw kita. Masakit pero ikaw na tong umiiwas." Natulala si Aden. Di nya alam anong gagawin o sasabihin. Humihikbi na si Dada sa harap nya. Tuluyan na bang susuko si Dada? May pagasa pa kaya sila ni Aden?