Salamat GAD (Gender And Development) sa experience na 'to. Kahit ngarag kami at puyat nang dahil sa presentation eh nakatikim naman kami ng masarap-sarap na pagkain. Salamat din pala kay madam Trina sa pa-chocolate, sa uulitin po! Sana naman po Bellevue Manila pakihinaan ng kaunti yung aircon, sobrang lamig po hakhak
Ang pinakatumatak talaga na aral sa'kin mula sa dalawang araw na seminar/workshop na ito ay: "Huwag husgahan ang tao kung siya ay bakla, tomboy o kung ano pa man base sa ikinikilos nito dahil hindi lahat ng lalaking malambot gumalaw ay bakla, hindi lahat ng babaeng "boyish" eh tomboy. Mas mainam na itanong natin kung ano ba talaga sila dahil malaki ang kaibahan ng Gender Identity sa Gender Expression."
Bawat tao, anuman ang kasarian nito ay may karapatan, ngunit ang mga karapatan na ito ay hindi dapat gamitin upang abusuhin ang iba.