Nakakainis isipin yon no? Ung bang lalapit sya may helping hand kang iooffer tapos pag katapos nyang makuha ung gusto niya, mawawala nalang siya ng walang pasabi, kahit hindi mo na bayaran ung utang na loob na yon e kahit sana iparamdam mo sakin na greatful ka kase tinulungan kita. Like magThankYou ka nalang sana. E wala eh. Ganyan tayo eh. Nageexpect din ako minsan, na baka in anyway, pag ako naman ung nasa matinding kagipitan matatakbuhan kita, pero ano? Wala eh. Ganyan tayo eh, hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Selfish kumbaga. Naatim kaya ng konsensya mo yon? Na ginagamit mo lang ung tao sa paligid mo para sa ikauunlad mo? Masakit isipin, para akong tindahan na pupuntahan mo lang pag may kailangan ka kase alam mo na handa akong ibigay yung kailangan mo. Masakit kase parang instrumento mo lang ako. Akala ko magiging kaibigan kita thru hard and good times yun pala thru benefits pala. Sa susunod, didistansya na ko. Kahit alam kong kaya kong ibigay yung hinihingi mo. Titiisin kita para malaman mo na pagod na ko. Pagod na ko sa kakahita mo sakin, pagod na ko sa kakaintindi at kakabigay.