Isa. Isang halaman ang aming napagpasiyahang itanim. Dalawa. Dalawang layunin ang dapat naming magawa, ang makapagpatubo ng halaman at i-blog ito. Tatlo. Tatlong naglalakihang mga tao ang nasa likod nitong mga blog. Apat. Apat na paso ang aming tinaniman, inalagaan, at tinyagang palakihin ang mga kalamansi. Lima. Limang kalamansi ang pinitas upang kuhain ang buto nito at itanim. Anim. Anim na araw ang hinintay at muntikan nang mawalan ng pag-asa. Pito. Pito ang butas ang nilagyan ng mga buto ng kalamansi. Walo. Walong taong walang sawang sumubaybay at sumisilip sa progreso ng aming halaman. Siyam. Siyam nalinggong walang sawang nag-aruga at nag-uulat ng pag-laki nito sa blog araw araw. Sampu. Sampung halaman ang aming napatubo sa sampung paso, lahat ay buhay at patuloy na lumalago. Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim, Pito, Walo, Siyam at Sampu. AGOSTO 15, 2017 Mabibilang sa daliri ng kamay. Hanggang doon na lang. Maliit, maikli, sulit ang hirap at pagod na inalay namin upang ma-update lamang ang aming blog. Lahat talaga ay may katapusan. Tulad nito, ito na ang huling mensahe namin para sa lahat ng sumubaybay sa amin. Laking pasasalamat namin dahil tumubo ang aming pinakamamahal na kalamamsi. Mabagal man ang paglaki nito, magiging matayog din ito balang araw. Ayawan niyo man ngayon, pagsisisihan niyo sa takdang panahon. Kapag ang kalamansi namin ay tumanda, ito ay laging may asim pa. Malungkot kami dahil ito na ang huli para sa atin. Ito na ang huling mensahe mula sa aming pangkat. Nawa'y nasiyahan kayo sa aming blog at sa halaman. Nagpapasalamat din kami kay Sir Genesis, kung hindi dahil sa kaniya, hindi namin makukuha uun. Salamat sa mga tumulong para sa aming blog upang maisakatuparan ito. Malapit na magtapos ang aming huling pahina at nauubusan na rin kami ng sasabihin. Muli Kaming Tatlong kalamansi (Malamansi) maalaga at maaalalahing mga kaibigan. Kaming tatlo ay lubos na nagpapasalamat dahil nakarating na tayo sa araw na ito ngunit nakalulungkot rin isipin na huling post na ito. MABUHAY!!! MULA SA TATLONG MGA BIIK NAGPAPAALAM. DELA CRUZ • EVARDONE • PANGANTIHON













