Okay. So nanunuod ako ng mga pinag-uupload ko sa Youtube, tapos nakita ko ‘to. Uploaded 5 years ago gawa sa cellphone dati ni One na HTC, tapos meron dung app na icocompile yung mga videos mo kaya naging ganito siya. HAHA! Ewan ko ba. Kinangina. Ang sarap panuorin ng mga memories no. Mga shuta kasi ‘tong mga ‘to eh. HAHAHA!
Nagkakila-kilala kami sa trabaho, unang work ko ‘to eh dahil dun lang naman din ako nag-apply. HAHA. Mga ilang weeks na silang magkakasama sa training tapos bigla lang akong pumasok sa eksena. So parang since may samahan na sila, syempre medj nahiya hiya pa ko sakanila sumama sama. Pero shy type naman kasi talaga ako. HAHAHA.
Hanggang sa naging magtrotropa na. Naalala ko dati,puro knock knock jokes lang kami kapag walang ginagawa nun sa traning. Dun mo malalaman kung sino mga corny magjoke eh. Kung sinong malakas tumawa, kung sinong nanghahampas kapag sobra sobra na yung tawa. HAHAHA.
Hanggang sa naglevel-up na yung tropahan, naging bastos na yung mga usapan. HAHAHA! Nagkayayaan mag-inuman. Actually, hindi naman talaga ako nainom dati ng beer beer na yan kasi hindi ko bet yung lasa. Dati, nakaunli iced tea or milk tea lang ako tapos sila nagbeebeer. HAHAHA. Tapos pinatikim nila sakin yung SanMig Apple, eh masarap naman pala sis. So ayun. Natuto na ko. HAHAHAHA.
Ang dami na naming mga pinag-usapan. Tungkol sa pulitika, pag-ibig saka buhay. Halos lahat na natackle namin. HAHA. May mga pro-Marcos, may mga anti-Marcos. As in minsan, may nagleleft na sa group chat namin kasi hindi na kinakaya ang mga arguments. HAHAHAHA! Pero dun yata kami naging mas matibay kahit nag-aaway away kami madalas.
Wala lang. Ang sarap lang balikan ng mga ganung alaala. HAHA. Tangina kasi ngayon eh, ang hirap na natin mabuo sa isang lugar. May mga nag-asawa na, may mga bagong jowa, may mga wala pa ring jowa. HAHAHA. Pero tangina niyo pa rin talaga lahat. Wala pa ring nagbago, tumaba lang tayo. AHAHAHA.
Pero grabe, sobrang dami kong natutunan. HAHA! Alam mo yung mga panahong broken ka tapos nandiyan lang sila kapag kailangan mo ng kausap saka kainuman, lalo na sa inuman na part. HAHAHA! Ewan ko. Mas masaya kasi kapag nalalasing tayo eh no. Gusto ko sanang hanapin pa yung mga lumang videos eh, hahahahaha. Kasi nasa utak ko lang lahat ng ganap, tawang tawa na ako.
Anyway, masyado na tong mahaba. Wala lang. Appreciation post lang sa mga shutanginang dating katrabaho mo lang, pero ngayon ayaw mo nang mawala sa buhay mo. Awwwwww. Grouuuuupppphugggg!
Hanggang sa susunod ulit na pagrereminisce at pagsesenti. HAHAHA.
PADAYON!!!











