Etong mga abnormal na to yung hindi ko ineexpect na magiging katuwang ko sa pagiging abnormal sa office. HAHA. Naalala ko dati, hindi naman kami masiyadong nagbabastusan non. Puro mga knock knock jokes lang dati nagpapasaya sa amin. Tapos ngayon, naglevel-up na talaga ang friendship. Bastusan to the highest level na talaga! At eto na, nagout of the country na kami. HAHAHAHAHAHAHAHA! CHAROT!!!
Every year naman talaga kami nagwawalwal sa beach. At sobrang favorite talaga namin sa Bataan. Naging homecourt na nga namin yun sa inuman. Haha. Ang dami na naming memories ng kalasingan sa Bataan. HAHAHAHA! So since hindi kami nakapagplano last year magwalwalan sa Bataan, pinagplanuhan na talaga namin ngayon this year. Nagset ng date para lahat makapagprepare. HAHA. At eto na ngaaaaaa.....
Biyernes ng gabi, sa bahay na natulog si One at Carol, dapat nga mag-iinom na lang kami sa Makati tapos diretso na lang bataan, pero nagawa na naman yun ni One at puta, ang bilis naming namatay sa walwalan sa beach. Kaya sabi ko, wag na nating ulitin yon. HAHAHAHA.
Oh. selfie muna tayo diyan. Wala nang tulugan, baka di tayo magising. HAHA!
3am ang meeting time namin sa SM North, at mga alas 230 pa lang, nagkukudaan na kami sa groupchat para macheck kung gising na ang mga tao. HAHA. Tapos etoooong si Biboy, puta. Alas tres na, hindi pa rin kumukuda sa GC, at hindi siya online!! HAHAHA! Hanggang sa kumpleto na kami tapos si Biboy na lang talaga wala. Naghintay pa kami ng isang oras at nagbakasakali. Pero wala eh. Kaya minura mura namin siya sa GC kasi inindian niya kami. Tapos monday nagmessage siya, nagkasakit daw siya. Sabi ni Aa, Sino ka?? HAHAHAHAHAHA! Offended pa rin si Aa sa pagindian ni Bibs! Wahahahaha!
Eto na.... Nakarating na kami sa walwalan place. HAHAHAHA.
Medj marami lang kalat sa shore kasi nga bumagyo nung nakaraan, pero ang bilis naman nalinis agad nila Kyaaaaaah.
Alas 9am kami nakarating, nagbreakfast agad. At nagplano na kaming mag-inom since yun naman ang purpose diba??? Kaya lang, pota nitong mga matatandang to, natulog!!!!!
Si Aa ang nakakaalam kung pano emehin ang Gilbey’s shit. Pero since matanda na talaga siya, di na niya talaga kinayang labanan ang antok. HAHAHA.
Ito namang dalawang to..... nako nako nako. Kala mo naman ang gaganda. HAHAHAHAAHA! Natulog din!!!!
At ang mga g na g lang sa inuman agad agad.....
Glenn + Rona + One + Ako! Mabuhay!!!!!
Hindi nga pala namin kabatch to si Rona, hahahaha. Pero since dahil naghahanap kami ng sasama pa para mas maliit budget, niyaya namin siya, tas g naman siya kasi iniwan siya. HAHAHAHAHA! Mahaba habang kwento pa kung bakit namin nakakasama yan. wahahahahah!
At yun na nga since si Aa lang ang laam kung pano emehin ang Gilbeys tapos gusto na naming mag-inom, ininom na lang muna namin ang Soju. Pero after ng Soju, hindi pa rin gising si Aa. Shuta. HAHAHAHA . Kaya sige, kami na lang eeme. Bahala na.
Amazed talaga ko dito eh. Haha. 1yung bigla lang silang naghahalo.
Hanggang sa nakaubos na kaming apat ng isang bote..... Hays.
After niyan, nagising na ang mga thunders. HAHHAHA.
Sheena: Say Hi to the Vlog!!!!
Me: Uhm, sir hindi po samin yang application na yan, pare-assign na lang po ng Ticket. HAHAHAA.
Pagkatapos tumawag ng trabaho pinatay ko na yung service phone, charot. HAHAHA. Tuloy ang inuman!!!!!
Sheens: Oh kunwari masaya tayo........
Pero masaya naman talaga kasi kami. HAHAHAHAHAH.
Alas dos na to. Wala pa ring balak maglunch. HAHAHA. Inom lang ng inom!!! Wala pang masyadong nalalasing mga bakla!!!
Sheens: Isa pa! Isa pa! HAHAHAHA!
Pagkatapos maggaguhan, naglunch na kami. HAHAHAHA. Shuta. Nakakalunod yung puro Gilbeys lang ang iniinom.
Glenn: Ako na lang kasi bestprenin mo!
Pagkatapos maglunch, tuloy ulit ang inuman. HAHAHAHAH. Medyo nahihilo na ko ah. Pero itong si One. Medyo lasing na. Nung nagdinner kami, kung ano ano nang kinukuda. Nageenglish na ng mali mali ang grammar. Hahahaha. Depota.
After dinner, inom ulit. SHUTAAAAA!!! Wala na yata kaming mga pictures neto. Hahaha. Hanggang sa kaming dalawa na lang ni Rona ang nag-iinom. Infairness sa import namin ha. Medyo malakas siya. Si Glenn, di ko alam eh. Nung umaga pa masama ang tiyan. HAHA! Nakaanim yata na CR to. Si One, hindi na nakapagdinner pala, kasi antok at lasing na siya. HAHAHAHAHA.
Oh Ano besh? Laban ka pa?
Pagkagising ng Oneng, naghanap ng pagkain. Sinamahan ko pumunta sa kusina kung saan namin pinatago ang pagkain niya. Kung san san kami naghanap don. Napagkamalan pa kong Ate don, kasi binubuksan ko yung Ref. HAHAHA.
Guest: Ate, may yelo po?
Me: Ay, hindi ko po alam. Hindi po ako ate dito. Haha. Hinahanap ko lang ang natirang pagkain namin. Hahahaha.
Guest: Ay, Ate Maix! Zebulun po kayo diba.
Shookt ako. HAHAHA! Bat ako kilala neto??? Sabay nakilala ko na siya.
Me: Ay!!! Kilala kita!! Di ko lang alam pangalan mo, pero diba kabatch mo sila Lyn. HAHAHAHA!
Labo eh no. Haha! Medyo lasing na me eh. Pero kilala ko talaga siya. Di ko nga lang alam pangalan. Hahahahaha!
At dun na natapos ang unang araw! Kasi sumuka na yung natira kong kainuman, natulog na kame. Wahahahaha!
Abangan ang Day 2!! Charot. HAHAHA. Tinatamad na ko magtype.