Nagpapasalamat ako sayo
Salamat kase nanjan ka. Salamat kase isang chat ko lang, May reply ka na. Salamat sa pagiging helping hand Lalo na sa mga problema ko. Alam mo ambait talaga ni Lord Kahit na may bitter pasts tayo noon, Nagkaron parin ng way para maging magkaibigan tayo. Yung walang halo ng nakaraang sakit Yung usapang walang malisya. Ang gaan sa feeling pag ikaw yung kausap ko. Kase alam ko hindi ako naja-judge.
Masaya ako. Masaya ako na hindi naging tayo sa huli. Kasi hindi kita deserve. You’re too good for me. And I guess you’re too good for anyone else. Maswerte pa nga ako. Nagkaron ako ng konting puwang sa puso mo.
Ako. Na palamura. Maikli ang pasensya. Walang kontrol sa emosyon. Hindi nagsisimba pag linggo. Hindi mahinhin. Magaslaw. Pabayang ate madalas. Nagustuhan ng gaya mo?
Ikaw na God-centered. Super family-oriented na tao. Linggo linggo ang service. Very responsible na Kuya at anak. Super focused sa studies.
Shit. I just can’t imagine my life Kung sakaling naging tayo nga. Pero ayoko naring isipin. Masasayang lang. Alam ko namang hindi mangyayari yun.
Saka.
Masaya narin naman ako. Masaya narin naman tayo. Sa kung anong buhay natin ngayon. Sa kung anong meron satin ngayon.
Salamat. Salamat sa pagiging Charlie Puth ng buhay ko. 😉😊
















