Gusto ko magkaroon ng KUYA :''>
Gusto ko magka KUYA kasi gusto ko may nag aalala sa akin, gusto ko may nagagalit tuwing gumagawa ako ng mali. Yung pagbabawalan ako dahil alam niyang pag ginawa ko masasaktan ako. Gusto ko yung feeling na kahit dalaga na ako , para sa kanya bata parin ako. Yung ayaw niyang may nakakasakit sakin na kahit na sino.
Namimiss ko lang yung papa ko, Gusto ko kasi kahit wala na siya may isang lalaking magmamahal sakin ng tulad ng pagmamahal niya. Hindi ko kailangan ng Boyfriend. Kasi yung boyfriend , iiwan ka rin pagdating ng panahon, madaling magsawa, demanding, magulo, tsaka hindi mo maiiwasan masasaktan ka talaga.
Gusto ko yung KUYA, kasi matapang, mapagbiro, masarap kausap, tsaka feeling ko pag may kuya ako , bata ako ulit.
Kuya , Sana dumating ka na sa buhay ko :''> Charaught!















