Don't put the guilty part on me or I will be as guilty as it gets.
May nakapagsabi.
Minsan kasi may mga naiisip tayong kung ano-ano sa partner natin kapag late nagreply, hindi nagpaparamdam, kulang sa effort at time at minsan kung may nagbago sa pakikitungo nya sayo. Kahit wala naman talaga dapat ikabahala, nabubuo sa isipan natin na “baka may problema” kayo. Tinatanong natin kung sino ba may kasalanan – siya o ikaw. Madalas SIYA talaga idinidiin mo. Kahit anong paliwanag niya, nagsigawan na kayo’t nagkasakitan sa salita, walang gustong magpatalo.
Ang tanong ay, ANO BA TALAGA PROBLEMA NYO?
“Oo nga! Ano problema mo?” Tanong ni partner.
Ikaw naman tong mapaghinala, sinabi agad, “Baka ikaw may problema satin. Bakit ka nagbago?”
Tapos sasabihin nya sayo, “Wala naman nagbago, nadagdagan lang ng priorities.”
Eh sa buhay ng mga umiibig gusto mo ikaw NUMBER 1. Kasi nga YOU DESERVE ALL THE LOVE. Pero alam mo, ang SELFISH mo.
Nakalimutan mo kung ano talaga ang meaning ng love. It is both loving and sacrificing for someone else besides yourself. Kasi naman gusto mo ikaw inuuna eh paano yung ibang priorities at needs ng mahal mo?
Pamilya nya. Studies nya. Trabaho nya. Social life nya. Spiritual needs nya.
Hindi naman sa lahat ng panahon ay lagi kayong magkasama at hindi rin sa lahat ng oras ay ikaw yung aatupagin nya. Bigyan mo rin ng halaga ang buhay niya. Baka gusto nyang gawin mag-isa. Pero teka, huwag kang mangamba kasi hindi ibig sabihin nun ay ayaw ka niya kasama. Gusto lang din niya ng freedom at sariling space. Huwag mong sakalin girl, baka maubusan ng hangin, humanap pa ng ibang magbibigay nun. Huwag mo rin pagbawalan boy, baka manggigil at lalo pang magrebelde. Hindi lang sayo kundi pati sa pamilya nya.
So sguro mas mabuti pag-usapan talaga kung ano ang problema.Hindi natin alam, ikaw pala naunang nag-iba ng trato sa kanya. . Kung mahal mo, kausapin mo para hindi kana mag-isip ng kung ano-ano. Kung mahal mo talaga, magsakripisyo ka at unawain mo ang pangangailangan nya.
Para sa nagmamahalan, Huwag sabihang guilty ang mahal mo kung wala ka rin namang alam sa pinagdadaanan nya ngayon.
Geh. Hugot. Longpost ah. 💗








