Lagi nating sinasabi na, "Faith without works is dead," pero mali naman ang pagkakaintindi natin dito.
Ang works na tinutukoy rito ay hindi tungkol sa kung gaano ka na kadalas magsimba at umatend ng Bible study, gaano ka na katagal magbasa ng Bible, o kung gaano na karaming Bible verse ang kabisado mo. Tungkol ito sa trabaho ni Holy Spirit na baguhin ang character at lifestyle mo.
Kasi kapag tayo ang nagtrabaho, dadagdagan lang natin ang lifestyle natin ng religious activities pero hindi natin babawasan ang wordly activities.
Marami kasi sa atin na sinasabing born again at may faith sila, o nagsisimba kada Linggo at nagbabasa ng Bible pero, makikita mo tuwing hapon na pinagtsi-tsismisan ang kapitbahay, naglalasing, nagmumurahan, nagsusuot ng revealing na damit, sinusuway ang mga magulang, nag-e-enjoy sa sexual sin, atbp.
Nadagdagan pero hindi nabawasan.
Kaya ang works na sinasabi rito ay trabaho ni Holy Spirit pero, nasa sa atin pa rin kung hahayaan natin Siyang mag-trabaho sa buhay natin o hindi.
Holy Spirit is the one who made us born again; that is why,
Faith without Holy Spirit is dead.
So, let us all have faith while allowing Holy Spirit to work in our lives.
Share this with your family and friends; you might change their lives.