Sa isang “group chat” nagsimula ang lahat.
Our GC was made for our reunion purposes (na hindi naman ako nakasama coz out of the country ang peg), well for catching up na rin sa mga nangyari na sa buhay namin. And since it has been 11 years of no communication and get together with most of us, all the way ang chikahan at kulitan through GC. Ilang araw ding nagpuyat at minsan nga mas maaga pang nagigising compared sa usual time because of GC. At dahil na nga sa mga kulitan, asaran, sa mga “kantyaw” ng mga GC members sa kung sinu-sino (which is napabilang nga ako) loveteam daw nung mga elementary days pa. So ayun na nga happy happy sa GC, kumustahan dito, tawanan, may mga video calls pa dahil excited makita ang isa’t-isa.
Everything was fine until I found myself missing someone from the GC. Kung GC-GC lang naman e okay lang, kaso nagka – PM-an pa kamiL. Ilang nights din na we chat each other, kumustahan, tawanan and kulitan which is nasanay ako. At first I didn’t even realize na may syota pala siya (akala ko wala e, feeling ko kase kami lang 2 magkachat o assuming lang talaga ako!), until yung friend ko na ang nagsabi saken nameron palang jowaLL.
Wala naman akong magagawa kung may jowa siya e. Kaya lang na-fall aq e! Pa-fall kase siya (busseett!!!) Siguro hindi naman ako mahuhulog sa kanya if from the start pa lang alam kong may jowa siya. Kaso he didn’t mention anything (sabagay hindi din naman aq nagtanong). Tapos ayun nga these past few days, di na siya gaanong nagcchat, super bihira na. Busy daw siya, pasensya na daw kase pasulpot-sulpot siya. Ako naman, syempre okay lang ano ba ako, sino ba ako, diba? And speaking of this line “Okay lang sino ba naman ako diba?”, he replied na I’m part of his life na daw at hindi lang ako kung sino (kiliigg!!!). Putcha!!! O diba hindi ba pa-fall yan?? Nakakabaliw. Oo na siguro nga nag-assume lang talaga ako. Siguro nga we’re just friends, he cares for me as a friend lang talaga siguro. What to do na-fall e, di naman ako sinalo. Nahihirapan pa kong mag-move on kahit na di naman naging kami, at mas talo ko pa ata ang tunay na nanggaling sa break-up.
Sana lang matanggap ko na ng buo na we’re just friends dahil ayoko din naman mapansin niya na umiiwas ako. Nag-break muna ako sa GC, pati sa FB/messenger as in break muna ako – not active for how many days (part ng pag-momove on ko..hirap e). We promised each other pa naman na walang makakalimot. Hindi ko naman talaga siya kakalimutan, what I want is for my feelings na more than friends lang, to vanish already (hahahah). Yung tipong walang hard feelings na sasabihin kong mahal ko siya bilang kaibigan lang, no more no less.