Indak
Iyong abutin ang aking mga kamay,
Sabay nating sayawan ang awit ng buhay.
Hayaan ang iyong sariling kumawala sa kalungkutan;
Hayaan ang iyong sariling damhin ang awitin.
Nakikita mo ba ang iyong sarili?
Kay ganda ng iyong mga ngiti.
Kay sarap titigan ang kislap sa iyong mga mata,
Tila ba ikaw ay walang dinadala.
Sa pagsayaw mo sa aking harapan,
Tila'y nagsia-awit ang mga anghel sa kalangitan.
Ako'y masaya na makita kang muling tumatawa,
Tingin ko'y bumabalik na ang iyong dating sigla.
Tingin ko'y kaya mo na,
Sumayaw ng walang kasama.
Bibitawan ko na ang iyong mga kamay,
Hahayaan na kitang sabayan ang mga bituin na gabay.










