Takbo, Sigaw at ang mga Bituin
Ako’y naglalakad sa ilalim ng mga bituin,
Hindi alam kung saan ang papatungo.
Patuloy na hinahayaan ang mga paang dalhin ako sa dulo ng kawalan,
Naghihintay kung kalian masasagot ang aking mga katanungan.
 Habang ako’y unti-unting nalulunod sa lalim ng aking isipan,
Ika’y humarang sa aking harapan.
Sabi mo’y tara samahan mo ako,
Ako’y nagdadalawang isip kung aking aabutin ang nakalahad mong mga kamay.
 Sabi mo’y wag akong mag alala, habang dahan-dahan kong inaabot ang iyong mga kamay
Ika’y ngumiti sa akin at hinila ako
Sabay tayong tumakbo papalayo
Papalayo sa lugar kung saan hindi natin alam kung ano ang meron sa dulo
Nang tayo ay mapagod sa kakatakbo
Tayo’y tumigil sa lugar malayo sa nakaraan
Lumingon ka sa akin at sabi mo’y isigaw mo
Isigaw mo lahat ng laman ng iyong puso
  Unti-unting inalis ang pag aalinlangan sa aking katawan
Isinigaw ang lahat ng tumatakbo sa aking isipan
Habang tumatagal gumagaan ang aking nararamdaman
Tila’y unti-unting nawawala ang mga katanungang walang kasagutan
 Nagpapasalamat ako’y iyong sinamahang tumakbo
Ako’y hindi mo iniwan sa daan
Hanggang sa tayo’y dumating sa ating patutunguhan
Kung saan ang mga bituin ay patuloy na naghihintay