Mahal Nya Pa Ba Ang Ex Nya Checklist
1. Bida Si Ex - Kapag lagi nyang binibida si ex on a daily basis, mapa-negative man or positive ang usapan. Yung tipong parang hindi kumpleto ang usapan ng wala syang mababanggit regarding sa ex nya or sa naging relasyon nila.
2. G na G - Yung tipong kapag may nabanggit kang something bad about kay ex, kulang na lang kalbuhin ka ng jowa mo, dami nyang sinasabi na kesyo wala namang ginagawa yung tao. Hindi pwedeng wag manggigil, pwede naman sabihin na let’s not talk about her pero hindi eh, gigil talaga sya.
3. Undeleted Convo - Bumabalik kasi yan sa memory lane, nag-iimagine ng kanilang nagdaan kaya off limits daw ang convo nila. Nagbabackread yan kapag nagbobored, pustahan na.
4. Tokens of Love - Yung tipong kinekeep nya pa ang mga gifts at love letters. I mean let’s be realistic here, kung kotse, sure keep it pero kung bracelet or ring or other small memorabilia from the ex na lagi pang sinusuot or nakadisplay, aba, respeto naman sa present mo. Ano yun, gusto mo lagi syang inaalala.
5. No- Go Zone - Opposite ng Bida Si Ex, eto naman yung mga eksena na bawal pag-usapan si ex. Alam mo kung bakit? Kasi takot syang magbalik ang mga alaala ng nakalipas, na baka biglang mabuhay na naman yun love kapag biglang napag-usapan si ex.
6. Social Media Stalking - Yung tipong nakikita mo sa search field ng FB na recent search si ex. Oh eh bakit kailangan nandyan yan, kasi nga nagstalk sya, gusto nya updated sya.
7. 50 Shades of Gray - Hindi to all the time ha pero shady yang jowa nyo kung habang nagdo-do kayo eh hindi pangalan mo ang isinigaw, yung tipong climax na pero pangalan ni ex naisigaw nya, panira moment talaga. Intimate moment nyo yun eh, bakit asa isip nya?
8. Kapamilya/Kapuso - Andun na tayo sa siguro nga maganda pinagsamahan nila ng family nya ng ex nya pero yung totoo Bes, kailangan ba talagang kada affair kapag invited sya eh super galore pinaghahandaan at super attend talaga, something fishy di ba, bonggang attachment nya na hindi nya ma- let go-let go kasi umaasa pa yang may part 2 pa.
Kung ilan dyan nangyayari sa inyo, aba, mag-isip ka na. Kailangan mo nang evaluate ang relasyon nyo at dapat aware sya na nasasaktan ka at nagdududa ka. Kung may gawin sya to work things out that’s good pero kung wala, aba Bes bitaw na kasi hindi pa sya nakakamove-on at isa kang panakip butas lang. You have to let her go kasi hindi healthy ang relasyon nyo.
Pero kung wala naman signs na mahal pa din ni jowa mo si ex nya, wag ka nang magpumilit kasi kakakulit mo dyan sa jowa mo eh baka iwanan ka na sa ka-immaturan mo. Huwag mong gawing complicated ang mga bagay na ayos naman. Huwag laging puro duda. Ikaw ang mahal nya at ikaw ang pinili nya kaya maging happy ka na lang.