Masasabi kong masaya ako dahil nasusunod ko ngayon ang aking mga luho :) Ngunit sa kabilang banda ako'y nalulungkot sapagkat hindi ko maisakatuparan ang aking propesyon na nakamit bilang isang Nars :| Noon, sinabi ko sa aking sarili kailanman di ako mapapamahal sa propesyon na ito, ngunit ng kalaunan ito'y unti-unti ng kumapit sa aking sistema, tila isang drogang ayoko nang tigilan pang gawin, subukan, mahalin at ayaw ng pakawalan pa :] Namimiss ko na ang propesyon na ito o ang tinatawag kong bokasyon, pati na ang mga taong aking natutulungan sa pisikal, emosyonal, sikolohikal at maging sa ispiritual na aspeto. Masaya ako dahil nasubukan ko maging isang Nars sa loob ng limang buwan, nakilala nang husto ang propesyon, nagkaroon ng talino, galing at angking kakayahan na humarap sa anumang sitwasyon sa ospital at makilala ang mga taong nagpasaya sa aking puso, mga bagong Kaibigan na aking nakasalamuha at nakapalagayan ng loob. Ang saya ko'y walang kapantay na kasiyahan o walang katumbas :) Ngunit sa panahong ito, sa kabila ng di ko maisakatuparan ang propesyon na ito bilang isang Nars ang tanging hiling ko lamang sa Panginoon ngayon ay gabayan ako sa lahat ng aking desisyon sa buhay, sa pagtahak papalayo sa propesyon na minsa'y aking Minahal, na hanggang sa dulo ng mga linyang ito ay ang puso kong umaasa at nanabik na nawa'y dumating ang araw maging isang ganap na ako na Nars sa ospital, kung saan tingin kong ako'y mas nararapat :) sa bandang huli ang tanging tanong ko na lamang sa'king sarili, na sa lahat ng ginawa kong desisyon sa taong ito (2012), "Kasiyahan Nga Bang Maituturing?" luho, kalungkutan, kasiyahan... :| >:] :) :']