Wall of Kwento 05
Two posts in a day. Wow haha. So ayun, tumigil rin yung ulan at nakabili na ako ng croissants. Yay. Kinain ko agad pagbalik ng office dahil sa sobrang gutom at takam. Lol. Another craving satisfied! Kung may Subway sana dito malapit sa amin, dun talaga ako bibili araw-araw. Kaso wala eh. Tss. Gusto ko yung sandwiches nila kasi masarap and healthy. Hay. Please Subway, maglagay kayo ng outlet dito sa Greenbelt.
Anyway, I hope na mamayang uwian ay walang ulan. More than 1 km din yung nilalakad ko papuntang sakayan tapos isipin mo may ulan pa. Sobrang pahirap tss. Gusto kong may ulan pero dapat pag indoors lang ako haha. Pag nasa labas ako, ibang usapan na yun. Pero I love overcast skies. Perfect for long walks alone. Malamig yung hangin saka walang nakakapasong araw. Kung ganto lang sana everyday edi sasaya ako kahit konti haha. Oh siya. Yan lang muna. Bukas ulit. Ciao!









