AP (Ang Paalam)
Marami akong natutunan sa subject na Araling Panlipunan gaya ng kahalagahan kung bakit ito kailangang pag-aralan. Una, dahil may relasyon ang pag-aaral nito sa buhay ng tao. Pangalawa, may epekto rin ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Nalaman ko rin kung papaano magagamit ang limitadong yaman sa walang haggang pangangailangan. Mas lalong tumatak sa aking isipan ang mga salitang Supply at Demand. Dahilan siguro ito yung time na ang grade ko sa AP ay 90. Ang mga katagang ceteris paribus. Ang mga pagkonsumo at pagproprodyuse. At ang kasalakuyan na itatake namin sa exam. Ang mga Bhay-kalakal at sambahayan, mga pondo ng bansa at pinagkakagastusan nito at marami pang iba.Pero bakit ko nga ba pinangalanan ito na "Ang Paalam". Nung grade school pa kasi ako ay hindi ko talaga hilig ang subject na ito. Papalit-palit kasi ng pangalan eh.... ang gulo - Hekasi, Sibika. Kasysayan. Buti nga naaalala ko pa. ang isa pa ay hindi rin ako interesado dito kaya siguro ako natatawag ng aming strict na teacher na parang alam niya na wala akong interest sa subject niya. Siguro nagpatuloy iyon hanggang mag first year ako. Pero lahat pala ng bagay ay pwedeng mabago kapag ginusto mo. Nung second year, ako'y napili bilang kalahok sa AP pero natuwa lang ako. Nagsimula ang paligsahan. Ang sabi nung 4th year kong kakampi ay maging relax lang daw kami at kung ano lang yung alam namin ay sabihin lang sa kanya. Nung mga oras na yun ay nahihiya ako sa mga kagrupo ko dahil hindi naman ako nagrereview kapag may sinasalihan ako ng mga paligsahan. Naging kulelat kami sa pinaka simula ng laro pero nagkaroon kami ng pag-asa at sa huli ay naging second place kami. Pero nung time na yun parang ayaw ko pang tapusin yung laban kasi gusto kong manalo sa laban. Siguro dun na nagsimula kong magustuhan ang AP. Maraming memories tuwing klase sa AP. Nandyan ang paghahalo ng biruan sa pinaka lesson ng araw, ang eko hugot, mga banat. Mga madadala kong alaala sa aking pagtutong sa kolehiyo. Syempre hindi ko makakalimutan yung teacher naming maganda na nagturo sa amin ng lahat ng to. Si Ma'am Mimay Narciso. Salamat sa lahat ng mga oras na ibinahagi mo sa amin upang turuan kami ng subject na AP. Sana nga AP nalang rin yung name mo. Kasi ikaw "ANG PABORITONG" teacher ko. Naniniwala ka rin ba ma'am sa kwentong bayan? Kasi kung sa kagubatan merong mga diwata, at sa mga karagatan ay merong mga sirena, sa utak ko ay puro aral mo at ikaw lang ang mahalaga. BOOM!. Its' been a very great year for me and kasama syempre dun ang AP. Magpapaalam man ako sa inyo Ma'aam ngunit ang mga aral na ibinahagi mo sa akin ay hindi pa paalam. Maybe eto ang maging simula ko towards that journey. Hope you Like it. Yours Truly John Roi R. Espanillo












