Yung lakad na nakulayan na sa wakas. Cos lagi akong bawal hays. Namiss ko tong dalawang to. @pilyangpogi @boydashbored Yung kapag kasama ko sila kahit saan mapadpad happy lang nakakawala ng stress sa life.

#dc comics#batman#dc#bruce wayne#dc universe#dick grayson#dc fanart#tim drake#batfam#batfamily



seen from Oman

seen from Maldives
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Indonesia
seen from United States

seen from United States

seen from China

seen from Malaysia
seen from United States
Yung lakad na nakulayan na sa wakas. Cos lagi akong bawal hays. Namiss ko tong dalawang to. @pilyangpogi @boydashbored Yung kapag kasama ko sila kahit saan mapadpad happy lang nakakawala ng stress sa life.
Yung parang naging date namin ni @boydashbored kagabi dahil sa tagal ni loe 😂
01/17/2016
Hahahaha. With matthew
Lagi akong nakikinig ng fm radio pag hindi ako makatulog, tapos RX 93.1 favorite kong fm station. Naisipan ko mag tweet na igreet si matthew (boydashbored) kasi lagi akong nag ttweet dun, sanay na ko magreet tapos tinawagan ako ni matt kanina sabi ko mamaya na siya tawag tapos akala ko nagreet na kami kasi finavorite na yung tweet ko tapos sabi ko tapusin na namin bago ko siya kantahan tapos nakailang kanta tapos greetings na ulit, narinig ko yung name ko hirap pa nga ibigkas ng dj as always, haha tapos di ko alam bakit di ko narinig name niya pero siya daw una nabanggit, nung narinig niya name niya napasigaw daw siya sa kanila napagalitan siya hahaha.
Ngayong araw, ang daming nangyari. Literal, haha. Paano ko ba sisimulan yung kwento? Ganito kasi yun, kagabi sinabi sakin ni mama at papa na mag parehistro na ko sa comelec kasi last week na daw to. Sabi pa ni kuya at papa, mahaba daw yung pila saka mahirap daw kaya pinagigising ako ng maaga. Ako naman, walang alam kaya gumising ako ng maaga kasi ayokong mahirapan saka mainipin kasi ko. Hahaha dinamay ko pa si matthew (boydashbored) tinanong ko kung nakapagparehistro na siya hindi parin daw kaya nagpasama ko. Si loe din sinasama namin kaso nakapagparehistro na siya. Usapan namin, 4:30 AM kami mag kikita kasi ang oa ng mga sinasabi ni kuya at papa sakin naniwala naman ako :3 pag 6 AM daw madami ng tao ang nakapila, kasi jeep jeep daw ang pumupunta dun. So ayun nga, anong oras na 11 na hindi parin kami nakakatulog ni matt, kaya nag-usap na lang kami saka ako fb at tumblr. Hindi na kami nakatulog kasi kapag natulog daw si matt hindi na niya ko masasamahan ako naman baka hindi rin ako magising ng maaga kaya ayun, hindi na kami natulog. 4 AM paalis na si matt ako naman naligo na nun, maaga nakadating si matt nalate ako kasi nakahiga pa ko nung nagkakachat kami hahaha. Tapos ang tagal ko pa naligo kaya napatagal pa ko. Sa cavite st. siya nag-antay, nung pinuntahan ko siya ang seryoso niya tapos kanina daw may relo at cellphone pa siya kaso wala na. Ako naman, kinabahan kasi maraming ogag dito samin at magnanakaw, sabi ko paload muna ko sa bakery si mama kasi papaloadan ko. Habang nag susulat ako sa listahan ng load tinatanong ko siya kung anong nangyari. Pagakatapos ko magsulat palakad na kami para sumakay tapos sabi ko dapat hindi ko na siya sinama, sinisisi ko sarili ko bakit siya nasnatchan. Tapos ilang segundo lang, biglang tumawa tapos nilabas yung relo. Kainis, pinagtripan lang pala ko, sabi ko gumanti ba siya dahil late ako. Hahaha. Sumakay na kami ng jeep patayuman kasi kakaen kami ng breakfast sa mcdo, inorder namin hotcake nagkwentuhan kami dun tapos 5:40 umalis na kami. Pumunta na kaming comelec, pagkadating dun. Nakita namin na district 3 at 6 ata yung andun tapos may nakapila na pero wala pa sila sa sampu. Nag tanong na kamo kasi nakita namin na wala yung district 2, tapos nung nalaman namin sa tesda pala. Jusko, lumayo pa kami sa tayuman lang pala. Edi balik ulit kami sa tayuman, pagkadating namin ng tesda 9 AM pa men. Kaasar talaga kasi yung tipong hindi kami natulog tapos mali yung unang lugar na pinuntahan tapos pagkarating sa tamang lugar late pa pala mag sisimula. Naisip namin na tumambay muna kasi ang aga pa 6 something palang nun, nag 7/11 muna kami kasi bumili si matt ng chuckie ako hindi na ko bumili kasi masama pakiramdam ko nasusuka ko na nahihilo na masakit yung tyan, mainit sa 7/11 kaya lumipat kami sa bahay nila. Dun, nagkwentuhan kami nung kung ano, ano. Parehas kami masama pakiramdam, siguro dahil sa walang tulog saka sa kinaen namin. Ang creepy ng mga kwento ni matt kanina kaya natatakot ako, tinatakot ako hahaha. Bago kami bumalik sa tesda nag poop ako sa kanila haha. Jusko kasi, tinatawag ako ng kalikasan nakakahiya tuloy kay matt pero di ko na keri kaya inilabas ko na hahaha. Tapos, 8:30 yata kami umalis sa kanila para bumalik sa tesda. Nag motor na kami papunta dun. Pagkadating namin ang dami ng nakapila, tapos ayun umupo na kami sa pila. Mabilis lang naman yung proseso kanina. Ang dami kong reklamo kanina kay matt kasi masama pakiramdam ko. Natatawa ko kasi dapat siya yung mas nagrereklamo kasi dinamay ko lang siya. Hahaha so ayun nga nakapag parehistro na ko. Yung babae na nagtatanong sakin mabait siya, dalawang beses kasi ko sa kanya napunta tapos sabi niya sakin “oh ikaw na naman” tapos nakasmile siya tapos sabi niya “favorite ko na name mo, ang ganda. Ipapangalan ko sa baby ko yung name mo” tapos natuwa ako kasi ang bait ni mam erika. Tinanong ko name niya kasi mabait. Sa pila nakita ko nga din pala yung kachurchmate ko dati. Una sa asa baba si matt, dun niya ko inantay tapos tinext ko siya na akyat na siya kasi okay lang naman. Ang kulit ko lang kanina, feel ko ang hyper ko. Haha tapos ayun dapat pauwe na ko kaso walang tao sa bahay kakaen muna ko dapat sa mcdo sabi niya sa kanila na pang daw so ayun bumalik kami sa kanila at kumain. Ang dami naming napagkwentuhan. Nakakatuwa lang. Hahaha tapos nagmotor na ulit kami, nung hinatid niya ko sa bahay. Pagkauwe ko natulog agad ako kasi antok na antok talaga ko. Grabe lang. Hahaha kahit madaming nangyari, masaya ko kasi nakapagparehistro ko ng hindi ako sinamahan ni papa. Saka ang saya lang kasi may karamay ako sa nangyari. Hahahaha Buti na lang talaga at sinamahan ako ni matt. Thank you so much matthew! :)
Team no sleep. Haha Good morning! :)
Letter #980:
Dear boydashbored,
Wala, aaminin ko ng crush talaga kita dati. Insstalk kita araw araw dati. Binabasa ko araw araw ang walang humpay na blog mo sa kanya. Nakakarindi man, kasi hindi ako yung tinutukoy mo pero ewan ko, nagiging interesado pa rin ako. Naalala ko nung gumawa ka pa ng secret blog mo, na pinagdadasal mong siya ang unang makakabukas at makakakita.. pero, sa sobrang pagsstalk ko. Nabuksan ko. Unexpected kunwari ha? Sabi mo kasi url niya so.. naisip ko baka nakita na niya so.. sumilip ako.. malay ko bang di pa niya nakikita. Sorry na. Pero, nung summer pa yun diba? Hahahahaha.. wala. Katulong ko pa dati bestfriend ko dito non. Para lang mapalapit sayo. Kaso, syempre, anong saysay ng psglapit ko sayo kung sa kanya nakabaling ang atensyon mo. Ewan ko kung alam na ba ng ibang tao yung tungkol sa kanya kaya di ko mabanggit url niya kahit pa name niya. Pero, wag ka mag alala. Tahimik naman ako. Gusto ko lang umamin. Tangina, aamin daw pero mag aanon pa rin naman. Hahahaha. Hindi ko kaya banggitin kung san ba talaga tayo nagumpisa magusap. Halata yon pre, hahahaha. Mabait akong babae, hindi lang talaga halata. Hahaha. Di man ako kagandahan pero pinagdasal ko naman na medyo malapit sa kanya yung itsura ko. Pero, ano ba naman laban ko sa kanya kung siya talaga mahal mo. Pwe. Bakit ko ba kinukumpara. Hahahaha. Pero. Pre, inaamin ko lang na crush kita dati. Na gustong gusto kita. Nakakatuwa lang tuwing nakikita ko picture mo na may chocolate yata sa ngipin. Hahahaha. Nakakatuwa lang mga kalokohan mo saka nakakaaliw kausap. Nakakatawa kung paano magpalusot ang Papa mo sa Mama mo. Ang bilis mong mapatawa, sa simpleng kalakohan ko lang, natatanaw ko na yung ngipin mo at labi mong nakangiti. Putangina, di ko ugaling maging ganito kamais. Hahahaha. Actually, ayoko na talaga magtype pero nagagawa ko parin. Siguro, dami ko talaga gusto aminin. Alam mo bang, pinagdasal ko rin dati lagi na lagi kang maging happy st di masaktan sa piling niya. Pinagdasal ko rin na lagi kang safe tuwing maggagala ka, mag isa. Isama ko na yun dasal ko na sa birthday ko, kahit picture lang nating dalawa.. na hindi mo pa rin alam na gusto kita. Hahaha. Wala, trip ko lang. Para kapag umamin na ako, bahala ka na. Hahahaha. Ayako ng humaba pa to, o kung ano. Kung may itatanong ka sakin, gawin mo na lang itong bloggers-secretfiles na connection sakin. Para astig, ano po? Sia, bye. Ksmr 1/18/15 2:17 AM