Letter #980:
Dear boydashbored,
Wala, aaminin ko ng crush talaga kita dati. Insstalk kita araw araw dati. Binabasa ko araw araw ang walang humpay na blog mo sa kanya. Nakakarindi man, kasi hindi ako yung tinutukoy mo pero ewan ko, nagiging interesado pa rin ako. Naalala ko nung gumawa ka pa ng secret blog mo, na pinagdadasal mong siya ang unang makakabukas at makakakita.. pero, sa sobrang pagsstalk ko. Nabuksan ko. Unexpected kunwari ha? Sabi mo kasi url niya so.. naisip ko baka nakita na niya so.. sumilip ako.. malay ko bang di pa niya nakikita. Sorry na. Pero, nung summer pa yun diba? Hahahahaha.. wala. Katulong ko pa dati bestfriend ko dito non. Para lang mapalapit sayo. Kaso, syempre, anong saysay ng psglapit ko sayo kung sa kanya nakabaling ang atensyon mo. Ewan ko kung alam na ba ng ibang tao yung tungkol sa kanya kaya di ko mabanggit url niya kahit pa name niya. Pero, wag ka mag alala. Tahimik naman ako. Gusto ko lang umamin. Tangina, aamin daw pero mag aanon pa rin naman. Hahahaha. Hindi ko kaya banggitin kung san ba talaga tayo nagumpisa magusap. Halata yon pre, hahahaha. Mabait akong babae, hindi lang talaga halata. Hahaha. Di man ako kagandahan pero pinagdasal ko naman na medyo malapit sa kanya yung itsura ko. Pero, ano ba naman laban ko sa kanya kung siya talaga mahal mo. Pwe. Bakit ko ba kinukumpara. Hahahaha. Pero. Pre, inaamin ko lang na crush kita dati. Na gustong gusto kita. Nakakatuwa lang tuwing nakikita ko picture mo na may chocolate yata sa ngipin. Hahahaha. Nakakatuwa lang mga kalokohan mo saka nakakaaliw kausap. Nakakatawa kung paano magpalusot ang Papa mo sa Mama mo. Ang bilis mong mapatawa, sa simpleng kalakohan ko lang, natatanaw ko na yung ngipin mo at labi mong nakangiti. Putangina, di ko ugaling maging ganito kamais. Hahahaha. Actually, ayoko na talaga magtype pero nagagawa ko parin. Siguro, dami ko talaga gusto aminin. Alam mo bang, pinagdasal ko rin dati lagi na lagi kang maging happy st di masaktan sa piling niya. Pinagdasal ko rin na lagi kang safe tuwing maggagala ka, mag isa. Isama ko na yun dasal ko na sa birthday ko, kahit picture lang nating dalawa.. na hindi mo pa rin alam na gusto kita. Hahaha. Wala, trip ko lang. Para kapag umamin na ako, bahala ka na. Hahahaha. Ayako ng humaba pa to, o kung ano. Kung may itatanong ka sakin, gawin mo na lang itong bloggers-secretfiles na connection sakin. Para astig, ano po? Sia, bye. Ksmr 1/18/15 2:17 AM











