Nung gabing yon, walang kibo ang mga kuliglig, tumigil sa pagkumpas ang mga sanga, pinatahimik ko ang buong kalawakan para makinig sayo, at noon, nakilala kita. Kinuwento mo sakin ang mga sikreto ng iyong nakaraan. Sinagot ang mga paano ,kailan, mga sino at saan. Ang mga pinakamasaya, pinakamalulungkot mong karanasan. Hindi ko makakalimutan ang gabing yon.
Tagpuan , Brian Vee















