“ang lahat ng meron ka ngayon ay dahil sa pag-ibig” <3
-brian vee :)
seen from China
seen from Germany
seen from United States
seen from Brazil
seen from Palestinian Territories

seen from United States
seen from China
seen from Netherlands

seen from Mexico
seen from Germany

seen from Netherlands
seen from Germany
seen from China
seen from Germany

seen from United States

seen from United States
seen from Brazil
seen from Germany
seen from Germany
seen from Türkiye
“ang lahat ng meron ka ngayon ay dahil sa pag-ibig” <3
-brian vee :)
Minsan. Nagkita tayo sa dating tagpuan. Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin Ramdam ng damo sa ating likuran Ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin Ang pulso ng mga damdamin.
Mga kwentong gustong kumawala sa pusong matagal na nilang gustong lisanin.
Nung gabing yon, walang kibo ang mga kuliglig Tumigil sa pagkumpas ang mga sanga Pinatahimik ko ang buong kalawakan para makining sayo.
At noon, nakilala kita Kinuwento mo sakin ang mga sikreto ng iyong nakaraan.
Sinagot ang mga paano At kailan, ang mga sino at saan Ang pinakamasaya at pinakamalulungkot mong karanasan.
Di ko makakalimutan ang gabing yon Ng ipatong mo ang iyong daliri sa mga labi mong nagkukulay ube na sa lamig At sa sandaling bumukas ang iyong bibig, nagmistulang entablado ang hinihigaang sahig.
Nagsimula kang umawit, Pinakinggan ko ang tugtog, tugtog, tugtog. Ang tibok ng puso mo sa ilalim ng tinig mo na binabaybay ang mga salita at tono ng kantang pamilyar na sinulat nating dalawa.
Pinakinggan ko ang bawat salita, Ang bawat paghinga, ang bawat pagtaas at pagbaba.
Pinakinggan kita Sa bawat pagbulong at pagsigaw. Sinabayan ka ng ingay ng mundo Pero pinakinggan ko’y ikaw.
Dahil alam ko, nung gabing yon, Na ang kailangan mo ay hindi mga pangako, hindi mga regalo, hindi mo kailangan nga mga puring mapaglalo hindi mo kailangan ng mga rosas na galing sa bibig O mga salitang nakakakilig.
Alam ko ang kailangan mo ay mga tengan makikinig Kaya’t nakinig ako.
Habang kinukwento mo ang tungkol sa paborito mong laruan nung bata ka pa Nung isang beses na naiyak ka sa Singing Contest dahil sa kaba
Yung tungkol sa unang lalakeng nagpatibok ng puso mo Nakinig ako sayo Nakinig ako sayo Dahil mahal kita.
Kung hindi mo iyon narinig nung unang beses na nagpakilala ako sayo Inuulit ko sayo ngayon Mahal kita.
At hindi ito yung Mahal kita na naririnig mo sa mundo. Ito yung mahal kita na pinakatotoo. Ang mahal kita na makikinig sayo.
Kaya ikwento mo sakin ngayon kung pano mo natuklasan ang pag-ibig, At ikkwento ko sayo kung pano ko to nilikha.
Ikwento mo sakin kung paano ka nila sinaktan AT ikkwento ko sayo kung pano nila ako pinahiya, kung paano nila ako binugbog, kung paano nila ako pinako At paano ako pumayag alang alang sa pangako.
Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang naligaw At ipapaalala ko sayo kung ilang beses kitang hinanap Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang nabigo At ipapaalala ko sayo kung ilang beses kitang niyakap.
Ipakita mo na handa ka ng magtiwala na handa ka ng magmahal At ipapakita ko sayo kung pano magdasal
Huwag kang matakot magkwento Makikinig ako sayo
Naiintindihan kita dahil alam ko rin ang pakiramdam ng hindi pinakinggan.
Minsan. Nakita kita sa dating tagpuan. Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin Ramdam ng damo sa iyong likuran Ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin Ang pulso ng mga damdamin
Mga kwentong gustong kumawala sa pusong matagal na nilang gustong lisanin
Pero nung gabing yon, nung gabing yon Galit na galit ang mga kuliglig Walang tigil sa pagkumpas ang mga sanga Nag-iingay ang buong kalawakan para sayo.
At nuon niyakap kita, Pero hindi na ako naramdaman ng manhid mong katawan.
Sinabi ko sayong mahal kita, Pero hindi mo ako pinakinggan.
Ang pinakinggan mo ay ang mundo Na nagsasabing handa ka ng magmahal Kung handa ka ng masaktan.
Pero lagi mo sanang tatandaan hindi lahat ng sugatan ay tama ang pinaglaban.
Ngayon may nangyayaring rebolusyon sa puso mo Ikwento mo sakin, at makikinig ako.
TAGPUAN by @brianveeee :)
^worth watching :)
I - iwan ka ng mundo Pero ang tunay na pag-ibig ay mananatili Katwiran nila: ang mga kontinente nga naghihiwalay, tayo pa kaya? Pero hindi nila naiintindihan na sa konteksto ng pag-ibig hindi ka kontinente, ikaw ang mundo ko at habang mayroong kalawakan patuloy kang umiikot sa araw ko
YA - yakapin kita, ng sobrang higpit hanggang sa ang mga piraso ng puso mo'y muling magdikit yayakapin kita hanggang sa ang tibok ng puso mo at ang tibok ng puso ko ay magtugma ikaw, ang paborito kong tula.
"Ang Abakada ng Tunay na Pag-ibig" by Brian Vee
ANG ABAKADA NG TUNAY NA PAG-IBIG <3 by @brianveeee