Sorry for this...
But I'll rant anyway. Hahahahaha
So ayun nga, dapat exam na talaga namin sa Law on Sales today, kaninang 6pm pero nung Auditing namin, may umiikot na survey asking kung gustong i-move ang exam sa November 6 (idk kung bakit ipinapamove) and majority wins daw. Edi ako, I disgaree dahil gusto ko ngayong araw mag-exam. Sayang kasi oras para major na lang iintindihin.
Ako kasi ung tao na nakaset na lahat ng schedule kapag may exam, kung kailan ko aaralin 'tong gantong subject and the like. Nakaset na lahat pero namove pa din ang exam sa November 6. Kating kati na ako magsagot kanina. Mababago na naman schedule ko. Hay nakoooo
I hate them kasi naiinis ako, hindi ba nila naisip na mas madaming time ang kailangan nila for MAS kasi mababa sila dun. I need time for Auditing Problems kasi may hinahabol akong grade. Hindi ba nila naisip na hanggang 9pm ung MAS tapos 1pm ung AP kinabukasan? Tapos etong isa naming subject, may pagpresent pa na kasabay na araw ng MAS. Nakakaloka na. Nagpapanic na ako. Wooohoo! Bakit kasi 'di nila naiisip ung mga ganung bagay? They only think of the present but not what might happen in the future. I'm pissed.
Mukhang mapapasulat na talaga ako sa test paper ko sa AP ng,
Dean, ipasa niyo na po ako. Ayaw ko na mag-extend. Yumayaman na ung college dahil sakin.
Naiinis lang talaga ako. Hays. Sige, ayun lang.






















