“Ang Barrio Malansa”
Ako si Lino,
nakatira sa talim ng bolo.
Pagkain ay pako,
Naglalakad sa bubog na damo.
Ang Barrio kong ito,
yumayaman lamang ay sa t'wing Mayo.
Sa bawat tarak sa taong ito,
pagsisisi ang dulot nito.
Habang ikay nakaupo sa kutson mo,
ako nama'y nakagapang sa karit ng pangako mo.
Habang salapi ang tangan mo,
ang araw naman ang pasan ko.
Sa mga salitang matatamis,
'di nagtatagal ay nagkakaliskis.
Dulot sa amiy paghahapis,
umaasim at iniipis.
Ikaw na nakaupo,
pag-ingatang mabuti ang bakod mo.
Gawin mo nalang ang pagyuko,
At baka sa putik kana umupo.




















