EPISODE 1: Ang Pagkikita.
"mahal mo ba ako dahil mahal mo ako? o mahal mo ako dahil naawa ka nalang sa akin?"
yan ang mga huling kataga na narinig ko bago kami nag hiwalay. hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahon na yon kaya hindi ako sumagot. siguro nga naawa lang ako sa kanya, kung mahal ko pa ba sya o hindi na.
nag simula ang love story namin limang taon na ang nakakalipas. ako nga pala si Vin. college ako noon, isang Multimedia arts student ng Mapua, matangkad, mahilig pumorma at may pagka kayumangi, nagsimula ito ng makilala ko sya nung enrollment, hapon noon nakapila ako sa registrar, kasama kong nag hihintay ang kaibigan kong si Harold , ng may nakita akong isang babae na pumukaw sa aking atensyon, nag mamadali syang nag lalakad habang nag hahalungkat ng gamit sa kanyang bag.
mahaba ang buhok na may pagkakulot, naka salamin at may pagka chinita, napatulala ako sa kanya habang papalapit sya sa akin. pakiramdam ko na Love at first site ako sa kanya.
"NEXT! Mag eenroll ka ba o tutunganga ka nalang dyan?!" sigaw sa akin ng registrar. ako na pala ang susunod sa pila. nawala ako sa sarili ko.
pagkatapos kong magbayad dali-dali akong lumapit sa aking kaibigan
"Pare nakita mo yon? ang ganda, kilala mo ba sya?" dagliang tanong ko kay Harold.
"ah, si Ira un, ka batch din natin. di mo ba sya kilala? choir member yata yun sa pag kaakalam ko... bakit?! naka kita ka nanaman ng dadagitin mo ah!"
"haha gago, pero promise nun lang ako nakakita ng qanung kagandang babae, taena parang anghel!"
"wushu! lahat naman ng babae na type mo sinasabi mo yan eh!"
"hindi pare. iba to! iba ang tama ko dito. mahal ko na yata sya!"
"gutom lang yan, tara na, umuwi na tayo at kumain. tapos mag Dota nalang tayo pag katapos. "
nakauwi ako ng bahay pero iniisip ko pa din sya, hindi ako mapalagay at pauilit ulit nag pplay ung scene kanina sa utak ko. kailangan magkita ulit kami sa pasukan. hindi na ako makahintay, tinamaan na yata ako...