Noon, tinuturing kong tahanan ang mga awit. Sa tuwing ako'y nasasaktan, nalulumbay, o naghihingalo at hindi alam paano ito pangangatwiranan, naghahanap ako ng awiting sasang-ayon at magsasalaysay ng nadarama ko. Kalakip ng awiti'y kompiyansang may makaiintindi sa akin.
Ngayon, ayaw ko nang manirahan sa mga awitin. Ayokong salaysayin ng mga manganganta ang sakit, lumbay, at kalugmukang kinahaharap ko. Hindi ko na kailangan ng katwiran at pag-iintindi. Dahil aking napagtantong hindi maisasalin ng kahit anong liriko't himig ang bigat ng aking mga daing at hikbi.













