"Aminin mo sa sarili mo, hindi ka matalino. Hindi ka katulad ng mga kaklase mo at ng ibang tao na may photographic memory na kapag binasa yung libro, pati alikabok kabisado. Hindi ka matalino. Itanim mo sa utak mo." Yan yung mga linyang tumatak sakin ngayong araw. Totoo naman eh. Hindi ako yung taong hindi nawawala sa listahan ng mga may honors. Pero alam ko sa sarili ko, there's something special sakin. Kailangan ko lang gisingin yung inner spirit na yun. Hindi ako susuko. Huling sem ko na 'to. Huling chance. Lord, lahat po ay iniaalay ko sa 'Yo. Lalaban po Tayo. 🎓








