You’ll never know kung saan ka makakaisip ng kung ano ano, hindi mo alam yung inisip mo lang kanina sa bus o jeep habang pauwi ka masusulat mo na gaya ng ginagawa ko ngayon. Haha
Malikot ang isip ko at mapagmasid sa paligid. Kanina habang pauwi ako, naglibot libot ako sa trinoma, pagkaalis ni eric papasok sa trabaho. Inabot ako ng rush hour di ko na kasi napansin yung oras, galing ako Power Books at Nbs, sale sa pb 20% off sa selected books kaso sayang kasi wala sa budget ko pedya de peligro na e. Haha Charing! So dahil inabot na nga ako ng rush hour medyo natagalan ako paghihintay ng bus pauwi sa malabon, hinayaan ko lang yung mga tao na magunahan buti na lang may energy pa ako kahit galing ako sa shift kanina.
After 15 mins, sumakay na ako since konti na lang din yung tao at may bus na medyo luwag. Natural ang usual na senaryo, prinsesa kang sumakay mandirigma kang lalabas. Hahaha. Anyway yung lalaking nauna sa akin kasama nya yung asawa nyang buntis, na nagiging protective sa asawa nya. Hindi rin sya nakaupo sa sobrang sardinas namin. After that munoz na kami may ilang bumaba at nagsisimula na lumuwag, despite sa siksikan at standing, yung lalaki sa likod ko kinuhit ako at ako ang pinaupo sa nabakanteng upuan at yung lalaking tumulong dun sa nanay na magbuhat ng mabigat na bag, I appreciate it, kasi I still see and believe the goodness in each and every person despite sa mga krimen na nangyayari at kung ano ano pang masasamang nangyayari I still have faith that everyone can change.
At kaya nga din siguro ako lagi sinasabihan ng nanay ko na, “Wag ka masyado tiwala sa tao..” dahil hindi ko daw alam kung kailan may gagawin na masama sa akin ang kapwa ko. Sabagay, kapag kasi mabait ka naabuso ka, pag palaban at matapang ka ikaw ang masama. So shut up na lang ako. Haha

















