Ang Buklod sa Taong 2014
Ngayong patapos na ang taon, kaliwa’t kanan na ang ang kung anu-anong mga year-ender specials at mga “The Best of 2014”.
Syempre hindi naman kami magpapahuli at makikiuso na rin. Ating balikan ang sampung highlights ng ika-33 taon ng UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino:
1. Nahalal sa CSSP Student Council ang mga Bukid na sina Pam Carrera at Ina Nocheseda bilang Psychology Department Representative at CSSP Councilor, ayon sa pagkakabanggit. Nanalo rin bilang Law Student Government Secretary ang Bukbok na si Dudday Yang. (Pebrero 28, 2014)
2. Nahalal ang bagong Lupong Tagapagpaganap para sa akademikong taong 2014-2015 (Marso 7, 2014)
3. Naging opisyal na mga Bukid ang mga Saling-Kid na sina Ina Nocheseda, Almae Caluya, Maryanne Abog, Pat Escalona, at Meme Bonoan. (Mayo 24, 2014)
Litrato mula kay Ina Nocheseda
4. Nanalo ang UP Buklod Isip bilang Guild of the Century, o ang pangkalahatang nagwagi sa CSSP Freshie Week Organization Fair 2014, at bilang People’s Choice Award kasama ang UP PsychSoc. (Agosto 22, 2014)
Litrato mula kay Arisa Saisho
5. Sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Sikolohiya, inilunsad ang kauna-unahang Doc E Week bilang pagpupugay sa Ama ng Sikolohiyang Pilipino na si Dr. Virgilio G. Enriquez. Kabilang din sa mga naging pagdiriwang sa linggong ito ang kauna-unahang Poetr-E na isang paligsahan sa paggawa ng mga tula batay sa temang “Pakikipag-kapwa sa Panahon ng Internet at Social Media”. (Agosto 26-29, 2014)
6. Ating sinalubong ang mga bagong Buklets para sa akademikong taong 2014-2015. (Setyembre 1, 2014)
7. Itinampok sa San Na si SP ang pananaiksik ni Dr. Gregorio del Pilar na pinamagatang “The Development of the Masaklaw na Panukat ng Loob (MaPa ng Loob)”. (Oktubre 10, 2014)
8. Naganap ang kauna-unahang Gabi ng Buklod (Nobyembre 8, 2014)
Litrato mula kay Mikee Sevilla
9. Nagbalik sa Bukod ang paper sharing, kung saan nagkaroon ng talakayan tungkol sa dalawang pag-aaral na gumagamit sa balangkas ng SP concept na kapwa. (Nobyembre 12, 2014)
10. May mga bagong Saling-Kids na!! (Disyembre 15, 2014)
Litrato mula kay Meme Bonoan
Marami man ang naganap sa taong 2014, mas lalo namang maraming dapat na abangan sa taong 2015.
Halina’t sama-sama nating salubungin ang ika-34 na taon ng UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino. Handa ka na ba?











