Escadaria principal do Palácio Burnay em Lisboa, PORTUGAL
seen from Maldives
seen from United Kingdom

seen from South Korea

seen from Germany
seen from United States
seen from Germany

seen from Canada

seen from Germany

seen from Germany
seen from Canada

seen from Malaysia
seen from China

seen from Malaysia
seen from China

seen from Japan

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Australia
seen from China
Escadaria principal do Palácio Burnay em Lisboa, PORTUGAL
Photos taken at the Burnay Palace in Lisbon (Portugal) - early decades of the 20th century;
Photos Source: Desenvolturas e Desacatos blog;
LOVE this buff wraith!!
Void by burnay
Muse I by burnay
Keeping it in. Some things are better left unsaid. (Photo: Pagburnayan, Vigan City, Ilocos Sur, 05012015)
Doomed and Stoned Inks by burnay
#KwentoNgMahiwagangBurnay:LABANDERA
Sembreak ni Rebecca kaya naisipan niya munang rumaket bilang baby sitter. Isang mayamang mag-asawa ang kumuha sa kanya para mag-alaga ng dalawang maliliit na bata.
“Rebecca, salamat at pumayag ka na pansamantalang magtrabaho sa amin. Tiwala ako sa nagrekomenda sayo kaya umaasa ako na maalagaan mo ng maayos ang mga bata. Tatlong araw kaming mawawala ng asawa ko kaya kailangan namin ng magbabantay sa mga anak namin. Iiwan ko sayo ang number ko para makontak mo agad ako sakaling magka-problema,” bilin ni Mrs. Regalado.
“Huwag po kayong mag-alala mam. Iingatan ko po ang mga anak ninyo,” sagot ni Rebecca.
Kinabukasan ay nagpaalam na sina Mr. and Mrs. Regalado. Si Rebecca at ang dalawang bata na lamang ang natira sa loob ng mansion at ang labandera na dumating isang oras matapos makaalis ng mag-asawa.
Inumpisahan nang patulugin ni Rebecca ang mga bata habang abala naman sa laundry area ang kasamahan niya. Nang matapos ang trabaho ay saglit na nakipagkwentuhan ang labandera kay Rebecca.
“Bago ka lang dito, ano? Alam mo mabait yang sila mam at sir. At hindi pa kuripot. Sana magtagal ka sa kanila?” sabi ng labandera.
“Naku, tatlong araw lang ako magtatrabaho dito. Nag-aaral kasi ako. Sinasamantala ko lang yung sembreak ko,” sagot ni Rebecca.
“Ah ganun, ba? Ang sipag mo naman pala. Naisipan mo pang magtrabaho kesa maglakwatsa kasama ng mga kaklase mo. Teka, Rebecca, pupunta lang ako sa banyo at pagbalik ko ay sabay na tayo mananghalian,” sabi ng labandera.
Pag-alis ng labandera ay naisipan ni Rebecca na buksan ang radyo. Sa radyo ay narinig niya ang isang balita tungkol sa karumal-dumal na pagpatay sa kanilang lugar. Isang serial killer ang pinaniniwalaang gumagala sa kabayanan na ang karaniwang binibiktima ay mga bata. Matapos marinig ang balita ang nagsimulang kilabutan si Rebecca. Isa-isa niyang pinuntahan ang mga pinto at bintana ng buong kabahayan para siguraduhin na naka-kandado ang mga ito. Maya-maya pa ay nagulat na lamang si Rebecca nang biglang mag-ring ang telepono.
“Hello, Rebecca, ako ito, si Mrs. Regalado. Kumusta ang mga bata?,” sabi ng amo ni Rebecca na nasa kabilang linya.
“Ay, Mrs. Regalado, ok naman po ang mga anak niyo. Pagkatapos nilang kumain at maglaro ay napagod na ang dalawa at yun nakatulog na ng mahimbing,” sagot ni Rebecca.
“Mabuti kung ganun. Siyanga pala. Yung mga pinto at bintana, na-check mo ba kung naka-lock ng maayos? ” tanong ni Mrs. Regalado.
“Yes Mam! Naka-kandado na pong lahat. Sigurado po ako na walang makakapasok na ibang tao dito sa bahay. Huwag po kayong mag-alala. Habang wala kayo ay kami na po muna ng labandera niyo ang bahala dito sa mansion,” sagot ni Rebecca. Nang marinig ang sinabi ni Rebecca ay bigla na lamang nagtaas ng boses si Mrs. Regalado.
“Teka, Rebecca, wala akong labandera na pinapapunta diyan sa bahay. Kunin mo agad ngayon ang mga bata at humingi kayo ng saklolo sa kapitbahay!,”pasigaw na utos ni Mrs. Regalado sa telepono.
Dali-daling pinuntahan ni Rebecca ang mga anak ni Mrs. Regalado. Pero bago pa siya makapanik sa kwarto ay umalingawngaw na ang pag-iyak ng mga bata. Huli na ang lahat dahil naunahan na siya ng babaeng baliw at serial killer na nagpanggap na labandera.
Kaya isang paalala: HUWAG BASTA-BASTA MAGTITIWALA SA HINDI MO KAKILALA!