110511 Global Pinoy Bazaar experience
Yan ang usapan ng pagkikita-kita. pero dahil sa di inaasahang trapik (normal na nga pala yun), 3pm na kami nakaalis.
Kumain muna kami. Dahil sa pagcre-crave ko sa Hashbrown burger- sa Jollibee. medyo tatlong araw ko ng bukambibig yun. Kaya walang Food photos ngayon kasi wala kaming sinubukang bago. Ay onga pala, bumili din kami ng isang box ng Cheese rolls ng Cafe Mary Grace. Iba yung lasa pag di grilled eh. Pero keribels, masarap padin naman.
moving on.. hinanap namin yung store ng Team manila dahil nagpapabili yung kapatid ko ng lace. Di namin nahanap kaya pumunta nalang muna kami sa bazaar sa Rockwell tent.
Medyo nakailang ikot kami sa loob, hirap magdecide ng kung anong bibilhin eh. di ko alam kung budget conscious ba kami or madami lang talaga masyado kaya nawindang kami :)
May promo yung Philippine Polymer Clay Guild sa araw na yun na kapag ni-like yung page nila sa FB, may freebies. Ayan si Haz, go na go. Tamad kasi kami ni Ag maglog-in eh.
Si Ag- Hirap mamili ng kung anong clay product yung bibilhin.
Isa sa cute na nakita namin. Parang kaming tatlo yan. Si Ag, sa kaliwa yung may hawak din na beyar. Si haz, yung girly sa kanan. Ako, yung may hawak na pagkain. lagi naman. oh diba ang sakto lang. Sayang kasi di sya for sale- for exhibit lang.
Napagod na kami sa ilang pag-ikot namin. Pagbalikbalik sa mga booth at sa mga free taste kaya naman bumalik na ulit kami ng Powerplant para umupo at hanapin ulit ang Team manila store.
Ayoko ng nakakakita ng Christmas tree sa mga panahong 'to. Nararamdaman ko kasing pasko na at ayoko nun dahil ibig sabihin, nalalabi nalang ang aming araw bago ang moment of truth.
Sa wakas, natagpuan na namin ang aming hinahanap. Nalula ako sa mga nakita kong lomo cameras. Ang dami. shemay! sana kasi madami akong ipon. Diana Deluxe Kit!
Katulad nga ng sinabi ko kanina, napagod na kami sa kakalakad kaya naman niyaya ko sila na mag-Happy Lemon dahil pare-pareho pa naman naming di nata-try. First timers. Ang inorder namin ni Ag- yung laging pinaguusapang Cocoa with Rock salt and Cheese. Kay Haz naman, milk tea something.
1st photo: Di ko alam kung anu yung kinukwento nya at bakit ganito yung naging mukha nya. :))
2nd photo: Stolen-kuno pero ang totoo, yung hikaw yung pinipiktyuran dyan. Ang kyut kasi Mario and Luigi yun. sayang di masyadong kita.
Obligatory by pair shots. Itsura namin ni haz sa pangalawang piktyur eh. Parang bagong kilala. Nahihiya-hiya pa kunyari.
Anong sabi ng Friendship Bracelets. Oh ha! Huma-Highschool ang ganap namin dyan.
Sobrang pinipilit ko si Haz na mag-lookbook pose (kahit walang account) :)) Sya kasi yung laging go na go. Keri din naman kasi.
O sige, Ako na din dahil naka-boots daw ako.
Outfit post of the day. #feelingera
(Ay, shoot! sayang, di kita kyutiks ko. HAHAHA)
Eto ang mga pinagbibibili ko sa bazaar.
-Top na maroon (soon to be cardigan nalang kapag tumaba ako)
-Violet na Lanyard ng aking kapatid
-Wrench necklace (last year kasi, Saw yung binili ko, kaya dapat isa padin sa mga tools.)
-Carabao horn necklace para sa aking nanay
-Nurse clay earrings para kay Kamel (di kasi sya nakasama)
-At ang pinaka gusto ko sa lahat, Theo and Philo Artisan chocolates (Dark Choco w/ Siling Labuyo at Dark choco with Green Mango and Sea salt). Simula nung nakita ko yan sa isang food blog, sobrang ginusto ko na na matikman. interesting kasi yung flavors. Check nyo yung iba pa dito (http://theoandphilo.com/products.htm)
At dyan nanaman nagtatapos ang adventure naming tatlong maaarteng magkakaibigan.
P.S. Nasa tumblr din pala 'tong dalawang kasama ko: Haz at Ag