This wasn’t supposed to be so dramatic, but I think that it turned that way by it self

seen from Singapore
seen from Malaysia
seen from Germany
seen from United States

seen from Germany

seen from Singapore
seen from China

seen from Canada
seen from Germany
seen from Brazil
seen from Canada
seen from Canada
seen from Norway

seen from Brazil
seen from China

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Germany
seen from China
seen from China
This wasn’t supposed to be so dramatic, but I think that it turned that way by it self
“Whisperer”EP 13
At morning, Jimin’s mother arrived to find a surprising situation in her house.
Mother “What's this?
She säw another boy's shoes next to his son's.
Slowly walked to his son’s bedroom door and opened it.
Jimin: Mother!
JK:!!
Mother: Son, what are you doing?
JK got up and awkwardly greeted her.
JK: Madam. I was just taking care of him, I better leave now.
And he left almost scaping from the situation. He felt bad for JiMin... Leaving him alone.
Jimin: Mom you came back earlier.
MOTHER: I thought Hobi would stay with you. (with a sarcastic tone)
JIMIN: I preferred to stay alone, but my friend came and…
MOTHER: Where do you know him from?
JIMIM He's my new classmate.
MOTHER: New, but does he have the confidence to come here?
JIMIN: Mom!! What's the problem? …just leave me alone.
You should be glad someone other than Hobie cares about me.
MOTHER: Son, you should have more friends. I mean maybe date someone…
Why don’t you..?
JIMIN: Mother, we already talked about this.
You can't come now and tell me who I should be with.
At least I'm still by your side
MOTHER: Son
Jimin locked himself in his bedroom.
"I don't have anything against lesbians....her personality is lesbian...I can't imagine her as a lesbian"- Year 9 girls on the bus
PUTANGINA nung IPIT IPIT GANG SA BUS. PAKYU KAYO HARD!
Siguro ang sama ko kung sa tuwing sumasakay ako sa mga pampublikong sasakyan e nagiging mapanghusga ako sa mga tao. Na kapag may sumakay e minsan naiisip ko na gagawa 'to ng masama, na baka mandukot 'to, na baka manghold-up 'to, na blah blah blah ganito ganyan. Ewan pero may mga tao talagang sa tingin ko e may mga masamang balak na pag-iisipan mo talaga. Sorry kung ganito ako.
Pero kahapon, 'yung mga paghihinala ko sa tao e nagkatotoo. Hindi ako nagkamali sa naramdaman ko at sa naging tingin ko.
4pm+ na ng umuwi kami ng mga kaklase ko. Syempre, jeep pa-Cubao tapos baba then lakad papuntang Farmer's sa sakayan ng mga bus. Ang daming tao ang nang-aabang ng bus, ang hirap sumakay. Konti lang ang nadaan na bus na aircon, pagod na ako, antok na rin kaya nung dumating 'yung ordinary bus napagpasyahan ko ng sumakay. Wala eh, uwing uwi na kasi talaga ako. Maraming sumakay sa nasakyan ko, tayuan na agad ilang segundo pa lang. Doon ako sa bandang malapit sa sakayan at babaan ng bus nakapwesto nakatayo. Hindi ko alam kung bakit pero naisipan kong pumasok papunta sa likod ng bus. Ang dami kasing sakay-baba sa pwesto ko kaya 'yun. Nung nasa bandang tapat na ng GMA sa kamuning, may walong lalaking sabay-sabay na sumakay sa sinasakyan ko. Ang papanget nila, seryoso, dejoke, bukod dun mukha silang adik na pag-iisipan mo talaga ng masama. Pagkasakay pa nila may sumigaw na, "Mga mandurukot 'yan!" Shet! Dun sa sigaw na 'yun medyo kinabahan ako, hindi ko na inalis ang tingin ko sa mga lalaking nagsipagsakayan. Minamasdan ko mga galaw nila, kilos at lahat talaga. Napansin ko lang ang lilikot nila, nagkukumpulan sila sa babaan ng bus at patingin tingin sila, patingin tingin sila sa mga gamit ng mga tao. Buti na lang pala talaga at lumikod ako ng pwesto, nako, buti na lang talaga saka bago pa magsakayan mga 'yun e naisiipan kong ilagay wallet ko at cellphone sa bag. Hayyy, ang lakas talaga ng kutob kong may mangyayaring masama.
Umandar na ang bus at sa tuwing may bababa e nagsisipagkumpulan pa sila lalo, iniipit nila 'yung mga taong bababa, at alam ko, ramdam ko na dun na nila ginagawa ang modus nila. Mga gago sila, marami na akong nabasang kwentong ganun, puta, iba pala kapag nasa sitwasyon kang ganun, sobrang kinakabahan ako. Baka may ggawin pa silang hindi maganda bukod sa pandurukot.
May mga bumaba na sa V. Luna, Heart Center, City hall, Housing, Philcoa at halos lahat talaga ng bumababa biniktima nila kasi paulit-ulit ang mga galaw nila, iniispit talaga nila. Sa tuwing may bababa kasi mag sisipagharapan sila sa bababa tas magkukumpulan sila tas ayun dudukutan, kukuhanan sa bag etc. Hay.
Yung mga oras na 'yun, nakikita ko sa mukha nga mga bumababa na alam ko may nawala na sa kanila na nakuhanan sila. Walang nagsasalita, tikom ang bibig ng lahat, maging ang konduktor wala ng nagawa sa ginagawang modus na 'yun. Halos kaming mga nasa likod, napapailing na lang sa nakikita namin, wala rin naman kasi kaming magagwa, baka kung ano pang gawin sa amin ng mga 'yun. Ang dami kasi nila, walo silang magkakasama sa ginagawa nila. Putangina. Ngayon na nga lang ulit ako sumakay sa ordinary bus tas ganun pa ang nangyari, natrauma ako dun. :/ Sabi ko pa nun sa sarili ko na kapag hindi pa rin bumaba ang mga hayup na 'yun hindi ako bababa sa dapat ko babaan. Dumaan na sa Central, Tandang Sora, Luzon, Feria at Don Antonio Ever. Sa isip isip ko talaga, hangga't nandun pa sila kahit abutin pa ako sa SM ayos lang. Ayokong bumaba na nandun ang mga gagong 'yun. Natatakot ako na baka makuha wallet ko at cellphone kahit nilagay ko na sa bag.
Pagkarating ng St. Peter, ayun nagsibabaan na sila. Putangina. Nakahinga ako ng malalim. Salamat. Buti naman at nakababa na sila. Pagkababa nila nakita ko hawak ng isang lalaki 'yung plastik, alam ko nandun lahat ng mga gamit na nakuha nil sa mga pasahero, medyo marami rin nakuha nila. Mga wala silang puso. PUTA!
Nung nakababa na sila, biglang umingay sa bus, saka nagreact ang mga tao. "Mga mandurukot 'yung mga 'yun." Naaawa ako sa ibang babae at lalaki tas may matatanda pa. Umiiyak kasi 'yung iba, nakuhaan daw kasi sila ng wallet, cellphone. Shet. :/ Naaawa talaga ako. Pero siguro okay na 'yung walang lumaban kasi nakakatakot baka kung ano pang magawa nila.
Hanggang sa nakababa na ako. Dun nakahinga na talaga ako ng maluwag. Nagpasalamat ako na walang nangyaring masama sa akin. Hayyy. Natatakot na akong sumakay sa bus.:/
_________________________________
Sa mga nasakay ng bus, mag-ingat tayo, maraming taong masasama na walang pakialam kahit sino ang bibiktimahin nila. Doblehin o triplehin ang pag-iingat kung kinakailangan. Mas mainam kung ganun. Lalo na sa mga bus na punuan at maraming nasakay, 'yun ang mga target ng mga lokong mandurukot sa bus. Tangina nila, hindi sila magtrabaho nang magkapera sila hindi ganun ang ginagawa nila.Langhiya sila.
BUSTORY.
Kanina. Habang tumatawid pa lamang nakita ko ng napakaraming nagaabang sa sakayan ng bus. Shet. Siksikan na naman. Panigurado Standing Ovation na naman. At hindi nga ako nagkamali. Siksikan kung siksikan talaga. Tulukan para lang makasakay.
Nang makapasok ay dun ko na naranasan ang mabunggo ng mabunggo ng mabunggo. Kailangan kong kumapit ng maayos dahil preno ng preno ang driver. Ang lagkit pa ng katabi ko. Pawis na pawis. Kung pwede ko lang sabihing ang baho niya sinabi ko na.
Yung iba naman kung makasiksik, Wagas. Yung ibang lalaki naman. Nakikita na nga nilang madaming babaeng nakatayo hindi pa magpakagentleman. May mga bumababa sa bus tapos nagkakaroon na ng bakanteng upuan. Pero inuunahan ng mga lalaki ang babaeng makaupo. Shet. Natanong ko sa sarili ko. Nasan na ang pagiging gentleman ng mga Pilipino? Talaga bang ganito na ngayon? Walang babae o matanda?
Nang malapit na ako makababa. Lumuwag luwag na. Nakaupo ako kaso saglit lang. Grabe lang. Ibang iba na talaga ngayon.
Ganito na ba talaga sa bayan ni Juan?