Goodbye 2012; You're a bitch. Ang bilis ng panahon. Bullets ko nalang ba? Katamad eh. January. Hmm.... Kami pa ni Fatima, hmmm... wala na ko maalala, ayun January nun so, I welcomed 2012. Di nagpa-fireworks dito sa circle nun. Amboring ng buhay. Siguro puro kalandian lang ginawa ko nun? Di pa ko umiinom nung panahon na yan? I mean tinigil ko. February. Valentines? Nakita ni ate yung balot ng Ferrero Rocher na bigay ni Fatima. Mostly hanggang september to na puro fatima kaya pag tiyagaan niyo na. :D Nagulat ate ko kasi may nagbigay daw sakin ng tokolet. Natural ano ko siya eh. Ano nga ba? HAHAHA. Ewan litsi. Yung lang naalala ko. Medyo ngarag nadin pala kami sa practice for graduation. Potaragis. Bawal magcutting dun. Tas nagtake din ako nung PUPCET. Nagbigay ng onting pointers si Fatima. Tas nalaman ko nalang na nakapasa ako tas siya hindi. Talagang nadurog ako nun. Gusto ko pa nga siya sundan sa Earist eh. Hayyy... Kainis. -___-" March. YEHEY! Month ko itu! And showing din ng Hunger games. March 23 yun, a day before my birthday, data kami ni fatima. Pagbirthday ko nagcecelebrate talaga ko. :D Yung araw din pala ng celebration ko is araw ng test nung mga students sa roces. Parang tataas yung rank nila then magkakacertificate. Syempre wala akong pake dun although alam ko naman na magaling ako. Magaling mag-gago. Then ayun. Dahil tapos na magtake yung iba. Pumunta na sila sa bahay. Kain, kain, kain, NATURAL MAWAWALA BA ANG INUMAN? Hindi nga nagtake nung test si Fatima kasi birthday ko nun :D pumunta siya syempre. Dun ko lang din nalaman na medyo malakas din pala siya uminom, kasi kahit ilan pashot sa kanya go siya. Syempre di mawawala yung mga sneaky moments. And my hallway dito sa kwarto ko papuntang ibang dimensyon. Ok, pumunta kami sa ibang dimension. Nakalock naman yung pinto bakit ba? Snogging. Whatever. Paglasing alam mo na. Ganyan talaga. Ayun, syempre hinahanap din ako. Shot shot shot lang kami. ganun. Tas medyo late na nakadating si kev. Ihahatid ko sana si Fatima sa kanila kasi ayoko umuwi siya ng lasing magisa. Eh dumating nga si Kev nung nandun kami sa gate. As usual nagiba yung mode ni Baby Fatima HAHA. Wag ko na daw siya ihatid. Edi ayun. Medyo onti nadin yung tao kaya ayun, si kev at ivor nalang natira. Wala nading hard na inumin kaya nagbeer nalang kami. Tas ang kulit ni kev kasi sumasayaw siya ng kung ano ano. Sagwa pre! HAHAHA May video pa nga ko eh :)) tas ayun. Graduation, nakita ko mama ni fatima, tas nagkatitigan kami nung ate niya POTA EH KILALA KO NUN. HAHAHA Ayun di mo maiiwasan na maiyak kasi yung mga tao di mo na makikita masyado. April. Birthday ni Irene. Oh ano gagawin ko? Wala naman ng pake sakin yun :)) nagpunta lang ata kami sa bitches, HEHEHE as usual, katext ko lang si fatty buong summer. May. Mejo nagreready na for school. And medyo badtrip kasi nga magkahiwalay kami ng school. Yaan mo na yan plinano samin eh. June. First day of classes. Anong alam ko sa PUP? Wala. Di ko din alam yung COC kaya nagtanong tanong pa ko. Tas ayun. Nakarating naman. Medyo late nga lang kaya napunta ko sa kadulo-duluhan. Ok naman. Dami akong monggoloid na nakita. Dami din ako namura sa utak ko nung panahon na yun. Dami ko din nastampan sa mukha. Syempre sa utak ko lang din yun. Ganun ganun. Pakilala kroo kroo. Nakakaantok. Daming Kpop fan, siguro nasaksak ko nadin yung mga yun sa isip ko. Nakakainis kasi walang electric fan. WTF as in WTF. Buti nalang cool ako. HAHA. Ayun parang monggoloid pa yung iba, pati ako. Wala ko makausap. Di marunong makipag-socialize yung iba. Whatev. July. Edi ayun. Di ko na maalala yung sa Quadro, basta nakapasa ko. Wala naman silang binagsak. HAHA. Luneta, intramuros, kung san san pa. Sa totoo lang nangitim nga ko dahil dun eh. August. Ok naman yung school. Cutting minsan, natuto nadin ako mag-Lrt. Tanga amp. Uhm.. cutting minsan tas pinupuntahan ko si Fatima sa Earist ganun ganun nagkakalabuan nadin. Kahit anong make out pa gawin niyo. Walang talab sa selos. HAHA. Nagaaway nadin kami nung mga panahon na yan. Wala kasing tiwala. Tas nireto ko si Kev sa bestfriend kong lalake, mejo nagkasomething. Eh nagkaclash yung ugali nila although my chemistry HIHIHI :"> September. Nagkakacrush nadin ako kay :D nung mga panahon na yan. Tsaka nagaaway nadin kami ni fatima bout senseless things. Napaparanoid na. Nafefed up nadin ako. Nararamdaman ko nadin yung pakiramdam ng nasasakal and gusto nang makipagbreak. Pero dahil mahal mo, tiis ka. Pakatangaaaa kainis. Ayun Showing ng resident evil. Nanood kami. Nakita niya pic ni Kev sa phone ko ayun nagbreak kami dahil dun. Nasa F blog yung story nun. So ayun, kumunsulta ko sa mga pussy ko. Kay Elaine and Nina, sabi nila wag ko na daw balikan. Sinunod ko naman. October. Mejo nagsisisi ako kasi sinunod ko sila. Pero ok lang. Nakawala ako sa hawla. Nakakaparty na ko uli. Pero malungkot minsan syempre. Titignan mo phone mo, wala na palang magtetext sayo. Bday ni kev. nagpa-party ako. Mejo malungkot kasi alam kong tuloy na yung pagpunta niya ng canada. Kaya sinusulit ko na yung mga oras. November. Natural party lang. Nagiging oa nadin sa room kasi daming sumulpot na kakupalan ng mga tangang tao na ayaw buksan ang isip. Badtrip talaga. Lumabas wrinkles ko. Dalawa nadin lumayas sa room. Ganun talaga. Naggugrupo nadin. Ayun napadpad ako sa Kups. HAHAHA astig kaya. Mainggit ka HAHAHA. Masaya samin. Overnight. Kakupalan. More kakupalan. And lots of kakupalan! *Confetti* December. Nagpunta kami sa laguna. Saya kasi inuman to the HIGHEST LEVEL. Siguro 5 litro yun tas onti lang kami uminom. Mga weak. 3 nalang kaming natira. Puro lalaki. LOL Saya. Ako nag-alaga kay kev. Love na love ko yun eh. Parang kapatid ko na talaga :D Kaso nakonsensya ko kasi dumugo yung ulo niya. Kaya kayo wag kayong magpapaalaga sakin. ;) Last message for '11&'12 Sa mga tao na naging malapit sakin. Sa mga tao na naging totoo sakin. Iboto niyo ko sa kongreso. Sa mga taong umalis, ok lang sabi nga ng papa ko "Anak, wala tayong magagawa, may aalis talaga. Pero malay mo magkita kayo. Dito man sa pilipinas o sa ibang bansa." Basta yun na yun. Kung matutuloy kadin sa pupuntahan mo, pinapangako ko na pupuntahan kita. Hindi man dito sa pilipinas, pupunta ko kung nasan ka pag naging successful na ko. Sa lahat ng taong nasaktan ako, ok lang. Sanayan lang yan. Tsaka tao lang naman tayo. Pero di padin ako sure sayo kung tao ka. Normal lang na makasakit tayo. Pero wag maging tanga huh? Ok lang isang beses. Pero pag dalawang beses nang naulit. Katangahan na talaga yun. Dami kong natutunan nung 2012, wala man akong natutunan sa Math teacher ko nung 4th year may natutunan naman ako sa Physics, katulad ng Law ni Newton. Gusto mo ng sample? 1st Law. Sabi ni Newton ang bagay ay hindi gagalaw hangga't walang external force na iaapply dun sa bagay. Inshort. Di naman kita mamahalin kung hindi mo ko binigyan ng dahilan o pinakitaan na pwede kitang mahalin. or mas mahalin??? Kroo krooo. 2nd Law. F = ma. Force is equal to mass times acceleration. Di ko talaga magets tong second rule. So nagsaliksik muna ko. And ito nagets ko na. Eto yung sabi "Acceleration is produced when a force acts on a mass. The greater the mass (of the object being accelerated) the greater the amount of force needed (to accelerate the object)." Ibig sabihin, pagmalaki yung bagay MAS malaki force yung kailangan mong ibigay para gumalaw yun. Inshort. Kung mataas yung pride nung girlfriend mo at ayaw kang patawarin sa nagawa mo KAILANGAN mong MAG-EXERT ng MORE EFFORT para maantig ang kanyang damdamin. Ajujuju. Last but not the least.... 3rd Law... (TENEN!) "For every action there is an equal and opposite reaction." Ito lang naman explanation ko. Pero baka di to pwede sa mga manhid?. Sa mga umaasa. Ganito yung point of view niyo: sana maging crush ka din ni crush. Kasi may equal and opposite reaction. Sana lang yung reaction ni crush sayo ay positive. Pag hindi. Ok lang. Meron pa jan. Yung hindi manhid! AMP! HIHIHI. Para sa mga Taken: Kung minamahal ka naman ng shawty mo ng maayos, ginagalang ka. Matuto ka namang gawin din yun sa kanya . Hindi naman 1 way ang pagiibigan eh. Si Newton na nagsabi. Di ka genius. Wag kang ashumera. Di ka si Jai. Ambisyosa. So ayun. Kung puro katangahan pinaggagagawa mo nung mga nakaraang taon, kahit ngayon taon lang please. Paki bawasan. Hahaha. Kasi ako ang katangahan ko last year is nagquit ako sa mga bisyo. Kaya ngayong taon ang new year's resolution ko is MAGBALIK SA BISYO! TENEN!. Less tanga. Less pahiya. Less Pain. ;)