Confession #1977: 1 year na nakalipas pero bakit nasasaktan pa din ako? Yung akala kong sakit na nawala nandito pa pala. Nagtago lang. Ang akala ko moved on na ko, yun din yung sinasabi ko sa friends ko. Pero di pa pala. Nasasaktan pa din ako eh. Yung akala kong ubos na yung luha ko, hindi pa pala. Nagipon lang pala ulit para sa darating na araw na ilalabas ko ulit. At ngayon na siguro yung araw na yun. Hanggang iyak nalang ba ko?









