406) First time kong mag confess dito and i think i can express my feelings here, my pain, my drama. I was hurt, i admit it. Sobrang nasaktan ako nung nalaman kong niloloko niya ako, nagpakalayo layo ako, umabot sa point na di ko kayang wala siya. Humingi siya ng second chance, nagmakaawa at sincere. Tinanggap ko, naging maganda ulit yung samahan namin. Oo inaamin ko mahal ko pa siya nung mga araw na yun, pero unti unting nawawala. Di ko alam pero di naman siya nagkulang pasayahin ako Di siya nagkulang sa lahat, araw araw kaming magkausap, mapa text or call man. Pero di ko alam kung bakit ganun nalang kabilis nawala, sinabi kong ayoko na, ayokong masaktan siya, pero nagmakaawa parin siya na wag ko na daw siyang iwan ulit. Syempre ayokong siya lang yung nagmamahal saming dalawa kaya sinabi ko ng di ko na siya mahal para di na siya masaktan pa ng sobra. Hay. Hi Sayo, sana maging masaya ka na soon. Sana kahit wala na ako, gusto kong manatili yung dating ikaw na masayahin at maalaga, mapagmahal. Gusto ko sa susunod na babaeng mamahalin mo, tulad ng pagmamahal mo sakin noon at ngayon. Inaamin kong sobrang swerte ko dahil minahal ko ang tulad mo. Pero this love is forbidden, and we dont deserve each other. Lagi mong sinasabi sakin na di mo kayang magmahal ng iba but i trust you. Kaya mo, dahil nakaya mo rin akong mahalin. Kaya sana, maging masaya ka, sana pasayin ka niya - h