maulang hapon ng Huwebes
Napadpad ang aking mga paa sa isang pamilyar na lugar kung saan dati nang aking naging tambayan. Maulan ang hapon ng Huwebes; pitong araw na ring umuulan. Kasabay ng buhos ng ulan ang buhos ng mga emosyong aking nararamdaman — saya, pag-asa, lungkot, pangamba, pagsisisi pero higit sa lahat pasasalamat — sa lahat ng blessings na binigay ni Lord sakin. Especially yung mga taong nakapalibot sa akin ngayon — yung kakaunting binigyan ko ng pagkakataong makapasok sa buhay ko. Oo, mukhang nalalampasan ko na paunti-unti yung mga trust issues ko, mas nagiging open na ko. 😊
Umorder ako ng usual — grilled cheese sandwich at americano (dahil walang capuccino) — minamahal ko ang lahat ng café na merong ganito sa menu 😂 Mag-isa akong kumain habang nakabantay sa bawat pagtunog ng chime na nakakabit sa pintuang nasa aking harapan. Tinamaan na naman ako ng pagkaweirdo at gusto ko lang talagang mag-isa habang nagmamasid sa iba pang nandun — kumakain, nagkukwentuhan at nagjajamming. Naalala ko tuloy yung sabi sa'kin ng THE Ricardo de Ungria noong nasa Iyas ako, "you are a good observer", na hanggang ngayo'y hindi ko maalis, I tend to just sit it the corner, stay silent at magmasid lang talaga. Minsan nakakapag-react ako ng hindi sinasadya habang nakatanaw lang sa iba, buti na lang hindi naman sila na ooffend 😆 At habang ganun, sobrang dami na naman ng pumapasok sa aking isipang mga realizations at quotations mula sa ibang taong nakausap ko na. At mula doon, alam kong kailangan ko nang inumin ang aking kapeng papalamig na sa kakahintay na matapos ang aking dilemma 😂
Sakto ba namang paglabas ko ay pumatak na naman agad ang ulan, at napaisip ako, ano 'to, on cue? 😂 wala akong payong buti nalang at naka-hoody ako (ang totoo, tinamad talaga akong magpalit ng damit kaya pinatungan ko na lang ng hoody ang sando kong pambahay) 😂 nakipagpatintero nang sandali sa mga traysikel at tumakbo hanggang sa carwash. Nakakapagchat pa ako in between sa lahat ng yun! multitasking bes 😊
p.s. namiss ko lang magpost ng #personal 😊










