God gave me Light through LIGHT OF LIFE
Lahat ng mga taong lubos na nakakakilala sakin, alam siguro yung mga pinag-daanan ko lalo sa industriyang pinasok ko. Oo nga pala, I'm Kristine Abbey, turning 22 this coming June 23 and, this is the story kung paano ako binigyan ng blessing ni God nang hindi ko inaasahan.
Mostly first impression sakin ng mga tao ay, “Maldita" “Masungit” “Isnabera” meron pa ngang “Mayabang” meron pang may nasasabi sa akin na “Puro to Kuda!” “Pa-famous!” “HINDI KA NAMAN MAGANDA!”. "Hindi naman maputi!” “Ang taba nito!”, lahat 'yun ngini-ngitian ko lang, lahat 'yun isinasantabi ko kasi inisip ko na siguro nasasabi lang nila yun kasi hindi naman nila ako totoong kilala.
Bata pa lang ako, pinangarap ko nang mag-artista.
Bata pa lang ako, kapag pinaiyak ako kahit walang dahilan, umiiyak ako.
Bata pa lang ako, nangarap ako na balang araw mapapanuod ko 'yung sarili ko sa TV namin.
Bata pa lang ako, pinangarap kong maka-sigaw ng “I love you, Araneta!” sa Araneta Coliseum.
Kaya nung tumungtong ako sa edad na 15 years old, sinubukan ko sumali sa iba't-ibang taping ng mga TV shows. Hindi siya naging madali. Nung una nakakatuwa kasi syempre para sa akin, “Wow! Ganito pala yung ginagawa!” kasi nga gustong gusto ko gawin 'yung bagay na 'yun kaya excited ako.
Tumagal din siya siguro ng mga dalawang taon, hindi na nagiging maganda ang resulta. Hindi ko na napapansin nuon na hindi na pala ako nababayaran, dahil nga sa sobrang tuwa ko dahil inuna ko 'yung passion bago 'yung sarili ko hindi ko alam na inaabuso na ko ng mga “Talent Supplier” na kumukuha sa akin. 'Yung puntong duma-dalawang taping ako pero halos kalahati lang ng talent fee ko ang nakukuha ko dahil nga sa hindi ako nag rereklamo. Akala nila okay lang 'yun. Pinahinto ako ng magulang ko kasi nga nag kakasakit lang daw ako nang wala akong napapala, which is for me okay lang kasi nga nag-eenjoy ako sa passion na ginagawa ko.
Bumalik ulit ako sa pag ti-taping, nung nag-20 ako puro “hagip kapamilya” at “kapuso mo, extra lang ako” ang mga call ko noon, 'yan 'yung tawag namin kapag passers-by lang ang role namin, tipong dumaan lang or kita lang yung bag o hindi naman kaya eh, likod lang ang makikita minsan nakaharap pero, blurred naman. Pero sabi ko nga kay Lord, hindi ako naghahangad nang kahit ano basta kung ano lang 'yung ibigay Niya sa akin, kontento na ako. Pero, may dumating sa buhay ko na parang Guardian Angel ko na lagi akong binabantayan at natutuwa kapag may magaganda akong role na nakukuha. Itong Guardian Angel ko na ito ay dinala ako sa parang isang heaven at 'yun ang LIGHT OF LIFE TALENT MANAGEMENT INC.
Sobrang hindi madaling makapasok sa Light Of Life, sinasala muna ni Direk Anne Villegas and Ms. Sweet, audition workshop pa lang. Sobrang isang malaking blessing nga 'yung pag dala sa 'kin ng Guardian Angel ko sa Light of Life. Para kasi sa'kin, 'yung Light of Life hindi lang isang workshop place kundi isang Safe Haven para sa'kin. 'Yung tipong kapag nandun ka sa loob, hindi ka nakakaramdam ng kahit anong bigat sa puso mo. Kahit may times na pinang hihinaan ako ng loob o kaya naman kinakain ako ng sarili ko, kapag nandun ka na sa Light of Life kapag iniyak at isinigaw mo sa mga activities, mawawala, gagaan yung kalooban mo. Sabi ko pa kay God, parang hindi ko po deserve 'yung mga bagay na binibigay ninyo, pero laging may mga taga Light of Life na nag papaalala sakin lalo na si Ms. Anne Villegas o Mommy Direk na, hindi naman binigay ni Lord 'yan kung hindi para sayo. Si Mommy Direk Anne kasi, kapag meron nandyan sa loob ng puso mo lalo kapag mabigat, Kapag tinignan ka niya sa mata alam niyang hindi ka okay, papagaanin niya. Siguro nawala man yung isang Guardian Angel ko na ni minsan hindi nawala sa puso ko, si Mommy Direk naman 'yung nag silbing guardian angel ko na alam kong hindi kami bibitawan.
Yung dating likod likod lang yung nakikita sa tv
Ngayon lumilinyahan na ng napaka-hahaba.
Thank you, God for giving me Light of Life in my Life.
Kahit maraming beses akong sumuko, hindi Niyo ko hinayaan bumitaw. Lagi Niyo akong binibigyan ng chance magpahinga pero hindi aayaw. Alam kong malakas ako Sa'yo kasi isang dasal ko lang, nag reresponse Kayo agad.
Thank you, Mommy Direk Anne Villegas for not giving up on me kahit po minsan bigla akong nawawala, hindi pa din kayo nag sasawa.
LIGHT OF LIFE TALENT MANAGEMENT INC.,
THANK YOU FOR GIVING ME A CHANCE TO PROVE MYSELF TO EVERYONE NA NAGSASABING “HINDI KA NAMAN MAGANDA” “HINDI KA NAMAN MAPUTI” LALONG “HINDI MO KAYANG MAKIPAG SABAYAN SA IBA” TINURUAN NIYO AKO PAANO KO HAHARAPIN NG MAAYOS YUNG MGA TAONG NAG SASABI NANG GANITO SA HARAPAN KO. INIBA NIYO RIN ANG IMAGE KO MULA SA PAGIGING EXTRA HANGGANG MAGING ARTISTA.
PS:
PROUD LOL BABY HERE! ;)
SA MGA GUSTO MAG-ARTISTA, WAG KAYO MATAKOT SUBUKAN ANG MGA BAGAY, KASAMA ANG HIRAP SA PAG AARTISTA ISIPIN NIYO NA “SISIKAT DIN AKO BALANG ARAW” KUNG GUSTO NIYO MAG-WORKSHOP, PM NIYO KO SA LOL NA KAYO HAHA! (Promote! Promote din!)











