Yung feeling na sana kapatid mo na lang yung mga KAIBIGAN mo! HAHA. :))
Ok, had so much fun for today. Gumising ako ng maaga kasi pupunta ako ng school kasama si Mommy kasi may meeting sila for the officers of the school, Auditor kasi sya. :) Then, sabay kami nag punta. Ako naman, kaya ako nag punta kasi gagawa ako ng bulletin board ng Ecologist Club because I'm the President. But, dalawa lang kaming dapat na gagawa. Yung kasama ko naman President ng Marian Club kaya dun sya gumagawa. Kulang din yung gamit na dala ko for our bulletin board kaya nag decide na lang ako na sa bahay ko na lang gagawin tapos ididikit ko na lang lahat sa Monday. Then, inantay ko pa matapos yung meeting nila Mommy kasi sabay kaming uuwi. Buti na lang andun na sila Cassandra and Bea sa school, kaya tambay muna ako kasama sila. Gumagawa naman kasi sila ng bulletin board sa Science Club. :) Tapos kwento kwento muna kami hanggang matapos yung meeting nila Mommy. Inaya ko silang dalawa sa bahay, dun kami gagawa ng designs namin para sa bulletin board. Then, wala kaming ginawa kundi ang mag kwentuhan, mag kulitan tska mag tawanan. :)) Haist! Sarap lang ng feeling pag kasama mo yung mga tunay mong kaibigan. :D
Then, pagkatapos namin gawin yung pang- designs namin, actually hindi naman namin natapos eh. HAHA. :)) dumating na din kasi yung sundo ni Bea, sumabay na din si Cassandra. Umuwi na din sila. And madami pa akong gagawin. HAHAHA. :))
Ok, tomorrow is my Mother's Birthday! Yehey! It's her Golden Birthday. :) Advance Happy Birthday Mommy! :* I Love You! Tomorrow din, dadating yung mga pinsan, Titos and Titas. HAHA. :))
Sorry again for being inactive this past few weeks. :)