Bakit ba ko nagsusulat? Hindi ko alam siguro makaktulong sa nararamdaman ko ngayon. I am so depressed, I was really hurt felt used, abused and fooled. Nakikienglish naman lola nyo, ewan ko nga ba. Tinitingnan ko nga sarili ko kung muka akong tanga, siguro ganon nga kasi may tao na lalapit sayo, saying this and that parang malag siguro ako sa paningin nya siguro ganon nga kaya ako napili nya lokohin. Inaamin ko naman na minsan may pagkatanga nga ako kasi mahina ako lalo na sa pag-ibig. Yung tipo na all-out, pang matagalan lalo na pag nagbeat talaga ang heart sa isang tao. Lahat tatanggapin kahit mali na hindi ko alam bakit ganito ako o mas tama bakit ganito puso ko. Sana napapalitan ang puso para maraming tao ang hindi miserable sa pag-ibig. After years ko ng pagiging single maloloko lang pala ko. Sana after this I can be a strong person at malampasan ko ang lahat ng to. Sabi nga nila pag nagmahal ka ng totoo dalwang bagay lang ang kapalit masasaktan ka o magiging masaya ka. In my case dun ako nagfell sa una. Mahirap pero ganun talaga dapat tanggapin ko at di ko lang sinusulat. Madrama ang sulat kong to pero it's my way of relief. Hindi ko akalain na magmamahal ako ng ganito at masasaktan ng sobra. Isipin pang masaya yong nanloko sakin. Sana I can forget all these sooner.