CHANGE YOUR PERSPECTIVES.
''Ang mga lalaki, mapang-abuso yan.''-Papa Jack
Naisip ko lang. Lalaki si Papa Jack, 'di ba?
Hindi ko ma-gets kung bakit niya 'to na-post. Well, I still respect his opinions. Dati, naging ganito din ang tingin ko sa mga lalaki. Pero, laging sinasabi ng mga friends ko na "'Wag mo naman lahatin."
Oo nga naman. Bakit nga naman natin nilalahat? Alam niyo ba na kapag nilalahat natin sila e nagiging judgmental tayo? Magkakaiba ang mga lalaki. Hindi dahil niloko ka e manloloko na lahat. CHANGE YOUR PERSPECTIVES. 'Yan ang pinakamagandang advice na nai-share samin ng teacher namin sa Theater Arts - Si Ate I-ghie.
Tama naman siya. Kapag may problema, tingnan mo sa ibang anggulo. Gaya ng sitwasyon na ito.
Naiwan ko ang wallet ko sa bahay.
Common Reaction: Pfft* !@%$%&^&*! Bwisit. (Bad trip buong araw)
Look at the other perspective. Reaction: Ay, baka kapag dala ko ang wallet ko, mawala lang. (Good vibes buong araw)
See? Nakita niyo ang difference? Simpleng situation pero may magandang lesson na nakakabit? ☺
Ganun din dapat tayo sa ibang tao. Dapat, kapag niloko ka, 'wag mo isipin na lahat sila e manloloko. But, isipin mo na "Baka kaya niya ko niloko e para mahinto na kami. Para mahanap ko ang mas bagay sa akin. Mas mamahalin ako."
So, CHANGE YOUR PERSPECTIVES, people.