Guys, kailangan niyong malaman na...
Ano ba ang mga dapat malaman ng mga guys about sa aming mga girls? Magbibigay ako ng ilan. At sana makatulong sa mga confused guys out there! ☺
Kaming mga girls, hindi lahat ng nagtatanong manligaw samin, e pinapayagan namin. Kapag pinayagan ka ng babae na manligaw, INTERESADO DIN SIYA SA'YO. ☺
Mas mababa ang pride ng mga babae kesa sa mga lalaki.
Ang mga babae, kapag nagagalit sa mga mahal nila, hinihintay pa rin na itext sila.
Mas ginagamit ng babae ang tenga kaysa mata sa pagpili ng lalaki. Kaya mas malakas ang points ng bolero kesa sa gwapo. HAHAHA!
Ayaw ng mga babae sa lalaking kuripot.
Mas matagal maka-move on ang mga babae kesa sa mga lalaki.
Mas bitter ang mga babae kesa sa mga lalaki. HAHAHA!
Hindi mahilig sa materyal na bagay ang mga babae. Basta may effort ka, okay na 'yun!
Laging conscious sa looks ang mga babae.
'Wag mong sasabihan ng pangit ang mga babae. Bababa ang tingin niya sa sarili niya.
Nakakalungkot sa part ng babae na hindi mo ma-appreciate ang mga ginagawa niya.
Kapag kinikilig ang mga babae, hindi nila maiwasan ang hindi ngumiti. :">
Seryoso ang babae kapag gusto niya ma-meet mo ang mga parents niya.
Selosa ang mga babae sa mga babaeng kaibigan ng mga lalaki. (Tongue twister? HAHA)
Emotional ang mga babae.
Gusto ng mga babae na nilalaro ang mga buhok nila. ('Wag lang guguluhin. HAHA)
Kung ano ang corny sa inyo, sweet sa amin.
Simpleng "Good night" lang e maganda at masarap na ang tulog namin.
Natutuwa ang mga babae na sa NOO (Forehead) hinahalikan. Kasi alam na mahal na mahal mo at ginagalang sila.
Yung kakantahan ang mga girls kahit hindi magaling kumanta, sobrang sweet na para sa amin non.
Gusto namin sa lalaking mahal na mahal ang nanay nila (Pero hindi Mama's boy) kasi kung paano daw itrato ng mga lalaki ang mga nanay nila, e ganun nila itinatrato ang mga babae.
Gusto ng mga babae ng lalaking hindi CONTROLLING.
Gusto ng mga babae na nag-oopen ang mga lalaki sa kanila.
Ilan lang po 'yan at sariling opinion lang din po 'yan. ☺
Sana makatulong!
















