Back to Tumblr, from bein a reckless Anonymous Blogger
Matagal kong pinag-isipan kung hanggang kailan ako magtatago bilang isang anonymous blogger sa isang kilalang website. Mga usapang kinainisan ng karamihan, mga salitang hindi ko naman nasasabi sa totoong buhay, mga bagay na nakwekwento ko dahil ayun ang opinyon ko, mangilang beses ko na rin naranasan na i-delete ang accounts at sites ko dahil.. totoong usapan ang gusto ng lahat di ba? Bakit masakit sa kanila ang malaman ang totoo? Ilang taon din ako nagpanggap na malakas na tao ako sa likod ng account na yon, marami na akong nagawang kwento na siguro ay ikinagalit niyo na rin, masama ba magsabi ng opinyon mo? Mga kwentong, naghahanap ka ng hustisya, mapa politika man o pag-ibig. Syempre naman, bago na ang ating presidente, naniniwala ako sa sinasabi ng karamihan na, "The Change Is Coming", eto na at sinisimulan ko na, simulan ko sa pagta-Tagalog, dahil bes hanggang kailan ko paduduguin yung ilong ko sa kaka Ingles ko para lang maging usapang patok sa araw-araw, IN ka kasi Ingles ang salita mo dahil pa Conyo-han pa natin to ang uso ngayon, pero oo nga naman mas mahirap gumawa ng storyang Tagalog.
Marami nang nagtangkang alamin kung sino o ano ba talaga ako, sa likod ng account na 'yon. Kilalang artista, food store owner at mga empleyado ng gobyerno. Ano ba ang mali sa pagsasabi ng totoo? Ng ating mga opinyon?
May mga nanghula na rin na isa akong lalake, dahil napaka straightforward daw ng mga topics ko. Matigas daw ang mga salitang ginagamit ko, mangilan-ngilan lang nakaisip o nakapansin na babae ako. Halos karamihan ang hula rin nila ay 30-50 na ang aking edad. Iniisip din nila na isa akong miyembro ng Illuminati. Hindi ko kinaya bes.
Marami mang nainis sa mga blogs ko, pero marami pa ring nagpahatid na isa raw silang "Loyal Readers" ko. Nakakataba naman ng puso. Nakaka inspired magsulat, hanggang sa nawawalan na nga ako nang ganang mag-aral, sa buhay pag-ibig at sa mga libro kong dinaig pa ang isang library sa dinami-dami.
Bilang pagpapakilala muli na nang galing pa sa nakatagong pagkatao sa isang kilalang anonymous blogging website, sana ako rin ay mahalin niyo bilang ako naman, sa pagiging tunay na masayahin, at makulit na blogger . Para sa aking pagbabago, hindi lang politika, sports, artista, at panahon ang usapan. Samahan niyo rin sana ako sa mga hugotan, "bigyan ng hugot" ang damit, pagkain, o at ano pa 'man ang nauuso ngayong panahon.. ah OO, malamang, lalo na ang pag-ibig at kabiguan na hindi tayo mauubusan ng kadramahan.
Bigyang kulay lahat ng mga bagay, korni-han pa natin ang bawat araw. Pusuan natin lahat ng mga bagay na patok ngayon! Bigyang hugot ang bawat galawan. Para sa atin ang usapang ito, inlove ka man o bigo, babae o lalake, mataba, payat, sexy o macho, positibo o negatibo, samahan nyo pa rin ako ha?
Maluwag at bukal sa aking loob ang mga negatibong komento na manggagaling sa inyo. Maraming Salamat!












