Oo. Sobra! 😭#hugotables (at Mismukuno Teppanyaki)

seen from Malaysia
seen from Russia
seen from Russia
seen from United States

seen from United States
seen from China

seen from Germany
seen from France

seen from India
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Germany

seen from Malaysia

seen from United States
seen from China
seen from Ukraine

seen from United States

seen from Russia
Oo. Sobra! 😭#hugotables (at Mismukuno Teppanyaki)
Back to Tumblr, from bein a reckless Anonymous Blogger
Matagal kong pinag-isipan kung hanggang kailan ako magtatago bilang isang anonymous blogger sa isang kilalang website. Mga usapang kinainisan ng karamihan, mga salitang hindi ko naman nasasabi sa totoong buhay, mga bagay na nakwekwento ko dahil ayun ang opinyon ko, mangilang beses ko na rin naranasan na i-delete ang accounts at sites ko dahil.. totoong usapan ang gusto ng lahat di ba? Bakit masakit sa kanila ang malaman ang totoo? Ilang taon din ako nagpanggap na malakas na tao ako sa likod ng account na yon, marami na akong nagawang kwento na siguro ay ikinagalit niyo na rin, masama ba magsabi ng opinyon mo? Mga kwentong, naghahanap ka ng hustisya, mapa politika man o pag-ibig. Syempre naman, bago na ang ating presidente, naniniwala ako sa sinasabi ng karamihan na, "The Change Is Coming", eto na at sinisimulan ko na, simulan ko sa pagta-Tagalog, dahil bes hanggang kailan ko paduduguin yung ilong ko sa kaka Ingles ko para lang maging usapang patok sa araw-araw, IN ka kasi Ingles ang salita mo dahil pa Conyo-han pa natin to ang uso ngayon, pero oo nga naman mas mahirap gumawa ng storyang Tagalog.
Marami nang nagtangkang alamin kung sino o ano ba talaga ako, sa likod ng account na 'yon. Kilalang artista, food store owner at mga empleyado ng gobyerno. Ano ba ang mali sa pagsasabi ng totoo? Ng ating mga opinyon?
May mga nanghula na rin na isa akong lalake, dahil napaka straightforward daw ng mga topics ko. Matigas daw ang mga salitang ginagamit ko, mangilan-ngilan lang nakaisip o nakapansin na babae ako. Halos karamihan ang hula rin nila ay 30-50 na ang aking edad. Iniisip din nila na isa akong miyembro ng Illuminati. Hindi ko kinaya bes.
Marami mang nainis sa mga blogs ko, pero marami pa ring nagpahatid na isa raw silang "Loyal Readers" ko. Nakakataba naman ng puso. Nakaka inspired magsulat, hanggang sa nawawalan na nga ako nang ganang mag-aral, sa buhay pag-ibig at sa mga libro kong dinaig pa ang isang library sa dinami-dami.
Bilang pagpapakilala muli na nang galing pa sa nakatagong pagkatao sa isang kilalang anonymous blogging website, sana ako rin ay mahalin niyo bilang ako naman, sa pagiging tunay na masayahin, at makulit na blogger . Para sa aking pagbabago, hindi lang politika, sports, artista, at panahon ang usapan. Samahan niyo rin sana ako sa mga hugotan, "bigyan ng hugot" ang damit, pagkain, o at ano pa 'man ang nauuso ngayong panahon.. ah OO, malamang, lalo na ang pag-ibig at kabiguan na hindi tayo mauubusan ng kadramahan.
Bigyang kulay lahat ng mga bagay, korni-han pa natin ang bawat araw. Pusuan natin lahat ng mga bagay na patok ngayon! Bigyang hugot ang bawat galawan. Para sa atin ang usapang ito, inlove ka man o bigo, babae o lalake, mataba, payat, sexy o macho, positibo o negatibo, samahan nyo pa rin ako ha?
Maluwag at bukal sa aking loob ang mga negatibong komento na manggagaling sa inyo. Maraming Salamat!
Mahirap magmahal kung wala ka namang nararamdaman para sakanya.
hugot earth science
Kapag absolute dating daw kase, may label at pang matagalan; Pag naman daw relative dating walang exact label at pang madalian lang.
Parang sa relasyon, Pag hindi malinaw sainyo kung anong meron kayo, madaling matapos at madali rin kayo magkakalabuan. Pero pag clear sainyo ne merong “kayo” at kung ano estado ng relasyon niyo, more likely magtatagal kayo.
Eto na ang oras na kailangan ko ng ibigay ang lahat. Eto na ang panahon para makuha kita. Sa pagkakataong ito. Ayoko ng palampasin ka. Gagawin ko ang lahat. Konting sandali at mabibigyan na kita ng panahon. Ibubuhos ko lahat lahat. Magbabasa na ako. Magbabasa na ako. Kailangan ko ng mag-aral ng mabuti. Para sa pangarap. Para sa ekonomiya. Para sa Pilipinas!
#hugotarkitekto #thedailydosagepride
Wala ng oras na hindi tayu nagaaway. Mas matagal pa ang away natin kumpara sa panahon na bati tayo. Hindi ko alam kong bakit ka ganyan, o kung minsan ako! Alam kung ayokong mawala ka, pero pinipilit mo akong lumayo! Bakit? Anu ba ang pangit at kulang sa akin? Hindi ba dapat nagtutulungan tayu para mabago natin ang mga mali natin sa isat isa!? Hindi ba tayu dapat ang unang nakakalam sa mga dapat na mabago sa sarili natin? Hindi ba tayu ang magkakampi? Pero minsan bakit ganun? Kung sino pa ang inaakala mong kakampi mo sya pala yung mambabalewala sayu at huhulog sayu sa hukay! Ikaw ang inaasahan kung iintindi sakin at maiintindihan ako. Vice versa. Pero ikaw din ang bibigay! Kaya siguro hindi ka naniniwala sa forever dahil ikaw mismo alam mo sa sarili mo na hindi ako ang gusto mong kaforever. Bakit ka ba ganyan? Anu ba ang pagkukulang ko? O ang pagkakamali ko!? Its even harder to stay with you this day dahil ganyan ka! O baka ako din ang mali!? Hindi nga siguro ako marunong sumunod sa ibang tao o makinig sa opinion ng iba. Pero kung hindi ako nakikinig hindi ako natuto ng ganito. Dahil lahat ng alam ko nakukuha at natutunan ko sa ibang tao. Our life is just a cycle. We learned form our mistakes at ang ibang nga nakakasalamuha natin everyday may natutunan din sa atin. Masasaktan ako ngayun. Bukas hindi. Masasaktan ka ng ibang tao bukas ikaw naman ang mananakit sa kanila. Ayaw mo ba talaga sa akin? Anu ba ang dapat kung gawin! Bakit? Ayoko na nga minsan, bibigay na ako. Konting tulak pa. Pero kapag iniisip kita, iniisip ko hindi pwede. Dahil sa panaginip ko ikaw lang ang kasama ko sa huli. Iniisip ko, yung sana ikaw na nga. Challenges lang lahat ng to at masusurpass lahat natin to. Mahal na mahal kita. Sana maniwala ka. Pagibig lang to, kailangan ko din malampasan. At sana malampasan natin to na magkahawak kamay. Patawad sa mga nagawa ko. Kahit kelan hindi ko pa nagawa mga bagay na yan. Kailangan lang may tiwala tayo sa isat isa. Sana maniwala ka. Sana bukas andyan ka pa.
#hugotarkitekto #thedailydosagepride
May mga bagay kasi na umaasa tayo na yun na, pero hindi pala yun kasi may dumadating na di natin inaasahan kaya nasasaktan tayo ng sobra.
When Your Soul Speaks
You never know when you’ll meet someone whose soul yours can speak to.
When your soul speaks, it takes the truth in the deepest corners of your mind and spits it out in a beautiful array of words.
It’s effortless yet perfectly constructed.
When your soul speaks, it feels like frozen thoughts from long ago become melted into a steady flow of spoken sweetness.
Time stops just for the meaning of what you say to unfold in the mind of those who hear it.
When your soul speaks, raw emotions pour out, easing your stiff sleekness.
The unspeakable bliss of breathing again fills your heart.
You know it won’t last. But your soul tries to make the best out of the moment to share your sentiments, your fears, your inspirations in life.
Because you never know when you’ll meet someone whose soul yours can speak to.