AP aware/ informed of this admission
Nitong mga nakaraang araw nagkakaroon kami ng problema regarding sa pag-i-inform ng mga attending physician/ consultants. Sa hospital kasi namin ang mga ROD ang may task na i-inform ang mga consultants kapag na-admit na ang pasyente nila. ROD rin ang nag-re-relay ng lahat ng results ng laboratories at kung ano mang referral regarding sa condition ng pasyente. Sa ibang hospital kasi, nurses na ang nag-i-inform at nagre-relay kung minsan pero kami ROD talaga.
This past few days may mga consultants na nagrereklamo na di daw sila na-inform na na-admit na pala yung pasyente nila. May mga laboratories na sila ang nagrequest pero di na-relay sa kanila samantalang yung ibang AP ng pasyente na yun informed. Kanina na-open na yun ng chief nurse namin at yun nga, siguraduhin daw naming maigi na informed talaga yung mga consultants sa status ng pasyente nila. Kasi nagkaroon ng isang case na, akala nung isang AP na na-admit sa ibang hospital yung pasyente niya. So dun siya pumunta, pagdating sa hospital, same room at same apelyido ng pasyente niya pero di niya pasyente yung nasa kuwarto. Adult patient yun eh yung AP ay pediatrician at malamang bata ang pasyente ni Doc. Yung pasyente niya talaga nasa hospital namin, same room number at surname dun sa nasa kabilang hospital. Di siya na-inform na sa amin na-admit.
Tapos ni-reiterate ng chief namin na wag daw namin i-chart na "AP aware/informed of this admission" dahil ang lumalabas kami ang nag-inform. Dapat lagyan namin ng c/o ROD, pa-countersign din daw namin. Syempre kami sa ER ang sinabihan regarding dun.
Ayun, tama nga naman yun.









