June 26, 2020
Natuloy din ang samgyup na may kasamang wine namin ng kapatid ko. Hayy ang sarap!! Dito kame kumain sa may terrace. Busog na busog nanaman, bundat :))))
seen from United States

seen from Canada

seen from Germany
seen from Germany
seen from United States
seen from Germany
seen from Canada

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Germany
seen from Germany
seen from Germany
seen from Australia
seen from United States
seen from Australia

seen from United States
seen from T1

seen from Australia

seen from Australia
June 26, 2020
Natuloy din ang samgyup na may kasamang wine namin ng kapatid ko. Hayy ang sarap!! Dito kame kumain sa may terrace. Busog na busog nanaman, bundat :))))
June 18, 2020
Flex ko lang mga baby cactus na nabili ko sa halagang 80 cent sa supermarket. Dadamihan ko pa sana kaso hindi ko naman alam kung paano iuwi ng safe. Kaya sabi ko saka nalang ulit pag kasama ko na si Gian. Yung mas matangakad naman sakanila galing sa kapatid ko, pabirthday nya sakin last month. Bukod sa kanila, may tinanim din akong ilang cactus, sobrang liit palang nila, mga 2cm palang. Plus ang dami ko din mga tinanim during quarantine na halaman, yung iba bumunga na, yung iba hindi parin. Ang hirap kase, sa ngayon ang pangit pangit lagi nang panahon. Malamig, umuulan, mahangin, kaya hindi sila masyadong naaarawan. Picturan ko nalang next time pag may araw na!!!
September 7, 2020
Here I am propagating my succulents. Let’s wait until roots will come out! Sana successful pls pls pls
June 22, 2020
Gagawa sana ako nang Ragù alla Bolognese at tska lumpiang shanghai mamaya para may ready na kameng naka stock sa freezer, kaso hindi pa nadedefrost yung giniling :( Bumili pa naman ako ng sibuyas at carrots para kompleto ang recipe. Last time kase di ko nilagyan, kaya medj nag kulang sya sa lasa, pati yung Mama Sita’s mix powder pang lumpia para makuha ko kahit konti yung lasa. Kaso wala e, ang tigas parin nang giniling kahit kaninang umaga ko pa sya nilabas ng freezer.
Then kanina pumunta ulit ako supermarket. Sa friday kase punta dito samin kapatid ko, mag sasamgyup kame sa terrace tas konting wine, ganrn. Bumili ako ng lettuce, belly pepper pati mushroom. Yung pork belly meron na akong isang kilo dito sa bahay, pati mga sauce meron narin. Tapos papadala ko nalang sakanya yung lutuan na ginagamit nina mama pag nag sasamgyup sila. Sya narin bahala sa wine, total mas marunong syang pumili kesa sakin :))) I can’t wait!!!!
June 19, 2020
Sa wakas dumating na din ang pin code nang credit card ko!!! Dalawang buwan din nameng hinintay to, finally talaga!!! Makaka pag grocery na kame ng maayos, di na ako kelangan mag alala kung magkakasya pa gastusin namen :(((
Yung credit card kase, tulong sya ng city of Milano para sa mga naka resident dito during quarantine. Malaking tulong narin to, lalo na’t hindi pa regular trabaho namen pareho, konting oras palang, so ibig sabihin kalahati lang sweldo. Hayyy!! Buti sana kung kalahati din ang gastusin at renta, pero hindi e. Excited na ako mamalengke bukas!!!!!!
August 29, 2020
Once a month I treat myself with a dish that I have craved during the month. Kagabi palang excited na ako sa kung anong lulutuin ko today, I went through al the supermarket flyers online, gawain ko talaga to everytime. Ang plano ko sana gagawa ako ng tuna pizza with cured meat and Grana Padano cheese kaso naalala ko nasira nga pala yung adaptor kaya di ko magagamit oven namin, hayy!! So pag gising ko nag grocery nalang muna ako. Tingin lang ako ng tingin hanggang sa napag desisyonan ko, pasta al pesto at tska hotdog. Hahaha! Ewan ko ba, ang tagal ko ng di gumagawa ng pesto tas yung hotdog na kinuha ko yun yung favorite ko kase malasa sya. Basta yun yung nagustuhan kong kainin, okay.
So for lunch I had pasta al pesto with ton of grana then hotdog.
June 28, 2020 - Tres Maria’s Lomi Hauz
I am super happy!!! Eto na nga, ang business ng mga tita ko sa Pilipinas. Yung benta benta online lang nila noong quarantine, naging business na nga nila!!! I’m super excited!!! I know they can do big kase kilala ko sila, masisipag silang lahat, masasayahing tao, passion nilang mag luto at higit sa lahat they deserve it!
Ang main cook nila ay si tito Eddie. Guys, I promise you, sooobrang sarap nyang mag luto. Then si tita Arcie (my mom’s sister), tapos ang tatlo nilang anak na babae, the reason why Tres Maria, ang apo nina tita at si Inay. Tulong tulong silang lahat sa pag luluto at pag dedeliver.
Their speciality is Lomi. I ate their lomi noong umuwi kame at sobrang sarap nya, mej malapot tas di ka lugi sa toppings!! Nag luluto din sila ng mga iba pang noodles, mga pang ulam at mga pulutan!!! Natanggap din sila ng paluto for occassion, little catering, ganon. Lahat ng luto nila guys, masarap. Trust me!!!
Murang mura pa. Isang Lomi Special 50P lang busog kana doon. Yung Jumbo pa kaya! May pa-bilao pa sila kung gusto nyo ng maramihan. Tas yung buchi ang saraaaap! Lahat na masaraaaaaaaappp. I’m so proud talaga, sobrang saya ko para sakanila, ang gagaling nila talaga!!
Please guys, like nyo ang Facebook page nila at order na kayo!!! (For the moment hanggang Batangas City area muna)
June 23, 2020 - Ragù alla Bolognese
Natuloy narin!! Pag uwi ko ng bahay kanina, nag tanghalian muna kame ni Gian tas sinimulan ko na, para madami akong oras para hayaan syang nakasalang. Soooooo, madali lang naman gawin yung ragù at tska simple lang din mga ingredients. Sa kalahating kilo na giniling, isang carrot lang ginamit ko at kalahating sibuyas, tas 2L na tomato sauce at tska dinadagdagan ko pa sya ng 400cl na tomato pulp para di sya masyadong watery. We like it thicc, hahaha! Then dalawang dado star, konting olive oil at syempre basil at thyme from my aromatic herbs sa terrace!!!
Sa ngayon nakasalang parin sya, siguro hayaan ko sya for 2 more hours. Hayyy!! Then myang gabi palamigin ko muna sya ng konti tas ifreezer ko na. Madami dami din akong pwedeng gawin sa ragù. Like lasagna, pasta al ragù, meat balls at ragù, pwede din ragù lang at tinapay or beef steak na lalagyan ng konting ragù. Ghurl, ginutom nanaman ako, hahahaha!