June 26, 2020
Natuloy din ang samgyup na may kasamang wine namin ng kapatid ko. Hayy ang sarap!! Dito kame kumain sa may terrace. Busog na busog nanaman, bundat :))))
seen from United States
seen from United States
seen from Kazakhstan

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United Kingdom

seen from Switzerland
seen from Brazil
seen from United Kingdom

seen from United Kingdom
seen from France
seen from China

seen from South Africa
seen from Kazakhstan

seen from United Kingdom
seen from Malaysia

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Türkiye
June 26, 2020
Natuloy din ang samgyup na may kasamang wine namin ng kapatid ko. Hayy ang sarap!! Dito kame kumain sa may terrace. Busog na busog nanaman, bundat :))))
January pa sana ako mag papagupit, sabi ko kase bago ako umattend sa kasal ng pinsan ko iiklian ko na. Kaso pag dating ko sa Pinas wag na daw muna kase ganda ganda ng buhok, gnrn. So naisip ko sige, pag balik ko nalang ng Milan. Kakabalik ko lang noon, ini-quarantine na kaagad ang buong bansa, kaya di rin ako nakapag pagupit. Humaba ng humaba ang buhok ko. Siguro buong buhay ko eto talaga yung pinaka mahaba, natuwa pa nga ako kase healthy pa naman sila pero sobrang init na at di ko na sila masyadong nae-enjoy dahil lagi kong pinupuyod sa trabaho, sa labas. Sobrang banas.
Nung lunes, hindi na ako nakatiis. Pag gising ko lumabas na kame, sinamahan pa ako ni Gian. Nag dadalahang isip pa nga ako kung paano ko ipapagupit. Plano ko sana yung maigsi talaga, once in a life gusto ko itry yung ganon. Pero pag pasok ko sabi ko nalang “Sige yung mas babagay sakin” lol. Cute naman ang kinalabasan, cute ako. Nag mukha akong bata hahahaha, pero I like it!! Preskong presko na ako ngayon.
June 18, 2020
Flex ko lang mga baby cactus na nabili ko sa halagang 80 cent sa supermarket. Dadamihan ko pa sana kaso hindi ko naman alam kung paano iuwi ng safe. Kaya sabi ko saka nalang ulit pag kasama ko na si Gian. Yung mas matangakad naman sakanila galing sa kapatid ko, pabirthday nya sakin last month. Bukod sa kanila, may tinanim din akong ilang cactus, sobrang liit palang nila, mga 2cm palang. Plus ang dami ko din mga tinanim during quarantine na halaman, yung iba bumunga na, yung iba hindi parin. Ang hirap kase, sa ngayon ang pangit pangit lagi nang panahon. Malamig, umuulan, mahangin, kaya hindi sila masyadong naaarawan. Picturan ko nalang next time pag may araw na!!!
September 7, 2020
Here I am propagating my succulents. Let’s wait until roots will come out! Sana successful pls pls pls
June 23, 2020 - Ragù alla Bolognese
Natuloy narin!! Pag uwi ko ng bahay kanina, nag tanghalian muna kame ni Gian tas sinimulan ko na, para madami akong oras para hayaan syang nakasalang. Soooooo, madali lang naman gawin yung ragù at tska simple lang din mga ingredients. Sa kalahating kilo na giniling, isang carrot lang ginamit ko at kalahating sibuyas, tas 2L na tomato sauce at tska dinadagdagan ko pa sya ng 400cl na tomato pulp para di sya masyadong watery. We like it thicc, hahaha! Then dalawang dado star, konting olive oil at syempre basil at thyme from my aromatic herbs sa terrace!!!
Sa ngayon nakasalang parin sya, siguro hayaan ko sya for 2 more hours. Hayyy!! Then myang gabi palamigin ko muna sya ng konti tas ifreezer ko na. Madami dami din akong pwedeng gawin sa ragù. Like lasagna, pasta al ragù, meat balls at ragù, pwede din ragù lang at tinapay or beef steak na lalagyan ng konting ragù. Ghurl, ginutom nanaman ako, hahahaha!
June 20, 2020
Sinamantala ko na ang sikat nang araw para mag bilad sa labas!!! Conscious naman ako na hindi kame makakapunta ng dagat ngayong summer kaya dito nalang ako nag bilad sa terrace namin. I used to do it during quarantine, may dalawang linggo atang sobrang init tas sikat ang araw kaya nag bilad ako, kaso wala pa akong sunscreen noon kase wala naman akong mabibilhan since sarado lahat. Kaya hindi ako masyadong nag tagal sa labas. Ngayon meron na, hihihi so kahit maka dalawang oras akong nakababad sa araw oki lang.
I love it. Kada summer ganito lagi ako. Nag bibilad talaga ako sa araw pag nag dadagat kame kase I like the color I get pag tanned ako. I do it hangga’t hindi kulay golden litson ako. Hahahaha! Pramis, yun yung kulay na gustong gusto ko. I love it!!!!
Fact: Eto talaga ang piniling bahay ni Gian kase almost 10h a day ang sunlight na abot sa terrace namin pag maganda ang panahon.
So eto ako ngayon, halos dalawang oras akong nag bilad today. May parang beach chair(?) akong ginagamit, na pwedeng nakahiga, pwede nakataas paa, pwede nakaupo. Tas nililipat ko muna mga halaman ko sa isang tabi para kasya ako :))))))
“Babu pahinga ka lang jan, ako na bahala sa hapunan natin”
Nakahilata lang ako at nag babackread habang nag luluto sya. Nauna kase syang umuwi ng bahay kahapon kaya sabi nya nakapagpahinga na sya ng konti at sya na daw bahala sa kakainin namen. Hayy!! Minsan lang ang gantong eksena ha, dahil kadalasan mas gusto ko talaga ako ang nagluluto. Sobrang kalat nya kase sa kusina, kung saan saan nya nilalagay mga ginamit nya kaya mas gusto ko talaga na ako nalang ang hahawak nang lahat.
So guess anong niluto nya???
June 21, 2020
Ang saya ko!!! Binigyan ako ng kapatid ko nang 4 more babies!!! Yeeeessss!!! Murang mura lang, 0.90cent lang ang isa tapos mas malaki sila ng konti kumpara sa mga cactus na meron na ako. Ang cute. Bali 10 na sila.
Bigyan ko kaya nang pangalan?